Inulit ang apela ni PDu30: Bong Go, nanawagan sa mga eligible Filipino na magpa-booster shots laban sa COVID-19
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
INULIT ni Senador Christopher “Bong” Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga eligible Filipino na magpa- booster shots bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, pinayuhan ng Chief Executive ang kuwalipikadong pinoy na magpa-booster shot na.
Ito’y dahil na rin sa mababang rate ng mga taong tumatanggap ng karagdagang bakuna.
“Magpa-booster dose na kayo para sa karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 lalo na sa mga variant nito tulad ng Omicron,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Huwag kayong mangamba dahil ang ating bakuna ay pinag-aralang mabuti ng ating mga eksperto. Ito ay garantisadong dekalidad, ligtas, at higit sa lahat, epektibo,” pagtiyak ng Pangulo.
Sinabi naman ni Go, base sa available data, ang pagpapabakuna at pagpapa-booster ay makatutulong ng malaki para mabawasan ang panganib na mahawaan ng malalang kaso ng COVID-19.
“Hinihikayat ko po ang lahat na magpabakuna lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Pwede na rin magpabooster ang mga qualified. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” ayon kay Go, Chairman ng Senate Committee on Health.
Ang kooperasyon aniya sa national vaccination program ay isa ring paraan para matulungan ang mga healthcare workers at iba pang frontliners na walang humpay at patuloy na nakikipaglaban sa pandemya.
“Kaya ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na tayo sa pinakamalapit nating vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” apela ni Go.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, “as of February 21,” mahigit 62 milyong Filipino ang nakatanggap na ng kanilang second dose, kumakatawan ito sa 69% na target na 90 milyong Filipino.
Samantala, may 9.7 milyong boosters naman ang naiturok na.
Natuwa naman ang Pangulo sa pagbaba ng bilang ng daily COVID-19 cases sa PIlipinas.
“Ang mga daily COVID cases natin, pababa nang pababa. (Health Secretary Francisco) Duque has declared that we have surpassed the worst of the Omicron variant,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, iniulat naman ni Duque na mayorya ng rehiyon ay kasalukuyang nasa “minimal to low risk case classification” para sa COVID-19. Nananatili naman ang Cordillera Administrative Region na naka-classify bilang moderate-risk case, at ang Region XI ay mayroong moderate-risk ICU utilization rate. Ang natitirang mga rehiyon ay mayroong low-risk rates ng healthcare utilization.
Dahil dito, hinikayat ni Duque ang publiko na magpa- booster upang mapigilan ang “mutation and transmission” ng COVID-19.
Samantala, binigyang diin naman ni Go na ang laban kontra pandemiya ay national undertaking at makapag-aambag lamang ang mga Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan.
“Lagi natin alalahanin na hindi kaya ng gobyernong mag-isa ang laban kontra pandemya. Hindi rin kakayanin ng mga frontliners kung patuloy na dadami ang kailangang dalhin sa mga ospital. Preventing the spread of COVID-19 starts with us by being responsible citizens and following health and safety protocols,” ayon kay Go.
Muli ay inulit ni GO ang apela sa publiko na manatiling bigilante at ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa mandated health at safety protocols para mapigilan ang pagkalat ng virus at ipanatiling nakalutang ang healthcare system.
“Kaya let us remain vigilant at sumunod sa mga patakaran. Ugaliing magsuot ng mask, mag-social distancing, maghugas ng kamay, at kung hindi kailangang lumabas ay manatili na lang sa bahay upang maiwasan ang hawaan ng sakit. Magtulungan tayo para hindi bumagsak ang ating healthcare system habang binabalanse natin na pasiglahin muli ang ating ekonomiya,” pagtatapos nito. (Daris Jose)
-
VACCINATION CARD SA PAMPUBLIKONG PALENGKE, INISPEKSIYON NG DOH
NAGSAGAWA ng inspeksiyon ang Department of Health (DOH) sa mga vaccination cards sa mga may-ari ng puwesto sa isang pampublikong palengke upang masiguro na nakumpleto nila ang kanilang bakuna. Pinangunahan ng inspeksiyon ni DOH-Ilocos Region Licensing Officer Charito Buado kasama ang Malasique Rural Health Unit ang inspeksiyon sa Malasique Public Market sa Malasique […]
-
Passing mark ng US Homeland Security, nasungkit ng NAIA
NABIGYAN ng passing mark ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng United States Department Homeland Security (DHS) matapos ang mga nakaraang pagbagsak sa mga security deficiencies ng premier airport ng bansa. Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nitong ang mga dumating na inspectors mula sa Transportation Security Administration (TSA), isang ahensiya […]
-
Angelica, nag-comment sa post ni Gregg Homan na tinawag siyang ‘Honn’
MATAPOS ngang ma-link si Angelica Panganiban kay Zanjoe Marudo na sinasabing ‘rumored boyfriend’ na kanilang sinakyan lang, patuloy ang pagko-comment ng netizens sa isa pang photo nila at ang ilan ay hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may ka-relasyon. Ilang sa naging comment nila: “Kung sinasabi niyong walang respeto si Angge sa […]