Ipagpaliban ang physical distancing sa PUVs, suportado ni Senador Bong Go
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
SANG-AYON si Senador Bong Go sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban muna sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan.
Ang katwiran ni Go ay huwag na isugal kung may posibilidad na mas kumalat pa ang sakit na coronavirus.
Aniya, ayaw niya at ng pamahalaan na tumaas muli ang numero ng nagkakasakit, lumala ang sitwasyon at tuluyang bumagsak ang healthcare system.
“Kapag nakita kasi ng mga tao na pumayag na tayo na luwagan ang physical distancing measures sa public transportation, baka pumasok sa isip ng tao na pwede na palang maging kampante sa iba pang lugar. Mahihirapan tayo na limitahan lang sa transportation aspect ang polisyang ito,” ayon kay Go.
“Let us always remember that according to studies from experts, physical distancing is one of the most effective ways to avoid transmission of COVID-19,” dagdag na pahayag ni Go.
At sa pagtugon naman sa pangangailangan ng public transport sector, makabubuting humanap na lamang ng ibang paraan para tulungan ang ikinabubuhay ng mga PUV operators at drivers na hindi nailalagay sa panganib ang kanilang buhay at buhay ng ibang tao.
Kaya nga, kung maaari ani Go payagan sana ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) ang mga hindi pinayagang bumyahe noon para madagdagan ang masasakyan ng publiko.
Makabubuting pag-aralan din kung pwedeng i-subsidize muna ng gobyerno para hindi malugi ang PUVs pero mapanatili pa rin ang pagpapatupad ng mga patakarang poprotekta sa kalusugan ng ating mga kababayan.
“We should balance the convenience and safety of commuters. Opening the economy should not be at the expense of keeping the riding public safe from COVID-19,” giit ni Go.
Sa laban ng lahat kontra COVID-19 ay marapat lamang na bigyan ng importansya ang posisyon ng mga medical experts.
“Pinakikinggan po palagi ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon ng mga eksperto tulad ng mga doktor. Sila kasi ang mas nakakaalam sa aspetong kalusugan, at bilang frontliners natin sa gyerang ito, they know how to beat the enemy and keep the virus at bay, while there is still no vaccine available,” ayon kay Go
Sa panahong ito ay importante ang ekonomiya pero mas importante ang buhay ng bawat Pilipino.
Ang pera ay kikitain pero ang buhay ay hindi nabibili ng pera.
” A life lost is lost forever,” diing pahayag ni Go.
Sa ulat, isang grupo ng mga healthcare workers ang umapela sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) para ibasura ang panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang isang metrong physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan.
Nag-aalala ang grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dahil sa pagbabago sa panuntunan sa physical distancing ay lalong tataas ang mga dadapuan ng virus at tuluyan nang hindi makakarekober ang bansa.
Sinabi ni Dr. Carmela Kasala, opisyal ng HPAAC, na sa pagpapaluwag ng physical distancing, maaaring isipin din ng publiko na pawala na ang virus na puwedeng mapunta sa kawalang disiplina.
Iginiit niya na ang droplets buhat sa pagsasalita, paghatsing at pag-ubo lalo na kung hindi mapigilan ay maaaring kumalat sa hangin at maipasa ng mas mabilis lalo na kung dikit-dikit.
Sa katwiran ng DOTr na mahigpit naman ang tagubilin na palagiang magsuot ang mga pasahero ng face mask at face shield, sinabi ng grupo na hindi tiyak ang proteksyong maibibigay ng mga ito at magiging mabisa lamang kung may angkop na physical distancing. (Daris Jose)
-
Top Radio Anchors sa Bansa, Tampok sa mga Bagong Programa ng Radyo5
NGAYONG 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!” Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to […]
-
RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA
DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila. SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan. Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa. Gayunman, […]
-
Pinuno ng National Academy of Sports, itinalaga
HINIRANG bilang pinuno nang itinatayong Na- tional Academy of Sports (NAS) si grassroots sports program specialist at Philippine Sports Commission’s (PSC) Sports Physiology Unit head Prof. Josephine Joy Reyes. Si Reyes, naging bahagi sa pagbuo ng Sports Mapping Ac- tion Research talent Identification (SMARTID) at nagsisilbi ng ha- los 27 years sa Medical Scientific […]