• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinuno ng National Academy of Sports, itinalaga

HINIRANG bilang pinuno nang itinatayong Na- tional Academy of Sports (NAS) si grassroots sports program specialist at Philippine Sports Commission’s (PSC) Sports Physiology Unit head Prof. Josephine Joy Reyes.

 

Si Reyes, naging bahagi sa pagbuo ng Sports Mapping Ac- tion Research talent Identification (SMARTID) at nagsisilbi ng ha- los 27 years sa Medical Scientific Athletes Services (MSAS) ng PSC, ay napili mula sa listahan ng mga eksperto sa larangan ng grassroots sports development.

 

“I just want to deliver. I just want to perform. I just want to serve. I know it’s gonna be a big task because remember, this is not just a simple department. It’s not a simple unit but we are talk- ing about a school system,” wika ni Reyes.

 

Itinalaga bilang NAS executive director si Reyes ng NAS’ board of trustees sa pangunguna ni Department of Education Secretary Leonor Briones, co-chair William Ramirez ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, at Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera.

 

“It is an honor on the PSC’s part that someone who has been in the field of sports for so long with the PSC and helped in the development of grassroots sports will take a key role in NAS. As the future home of our budding sportsmen, it will help that the Executive Director is brilliant, competent, and with good character,” wika ni Ramirez.

 

Ang karanasan ni Reyes bilang dating atleta ang nagpalakas sa kanyang pagnanais at layunin para maimprub ang athletic performance ng national team.

Other News
  • Verifie In-announce sa pamamagitan ng Instagram account nila: JK at MAUREEN, maayos na tinapos ang higit dalawang taong relasyon

    NAGTAPOS na ang more than two years na relasyon ng celebrity couple na sina Juan Karlos Labajo at Maureen Wroblewitz base sa ipinost nila last Friday, June 10, 2022 sa kanilang Instagram account na sila’y naghiwalay na.     Pinost ni JK ang photo nila ni Maureen na may caption na, “Magka-ibigan na ngayo’y matalik […]

  • ‘Amazing Earth’, ipinagdiriwang ang anim na taon ng eco-adventure na may espesyal na three-part series

    MINARKAHAN ng award-winning na infotainment program ng GMA Network na ‘Amazing Earth’ ang isang napakahalagang milestone habang ipinagdiriwang nito ang anim na taon na nakabighani sa mga manonood ng Kapuso sa mga nakamamanghang destinasyon at nakaka-inspire na kwento ng konserbasyon. Hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang ‘Amazing Earth’ ay naging paborito ng sambahayan, na […]

  • Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington

    MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.     Layon nito na palakasin ang kanilang  political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea.     Sinabi […]