Ipalalabas in time sa Chinese New Year: KIMSON, bida sa international film na ‘King of Hawkers’
- Published on January 4, 2024
- by @peoplesbalita
INTERNATIONAL star na ang GMA male artist na si Kimson Tan, bida siya foreign film na ‘King of Hawkers’.
“I auditioned, with the help of Ms. Joy Marcelo, Ms. Gigi Lana Santiago,” kuwento sa amin ni Kimson.
Ang ‘King of Hawkers’ ay produced ng international production na Kelvin Sng Productions.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Kimson, “I play a role of grandson, third generation of… apo ng may ari ng stall.”
Sa pelikula ay gaganap siya bilang isang Singaporean na fluent sa Chinese at tamang-tama naman na fluent si Kimson sa naturang language sa tunay na buhay.
Saan ito ipapalabas?
“I think as I heard from the prod, I think it’s Hongkong, Malaysia, Singapore, US, Canada, they’ll try to penetrate China market, in the Philippines of course.”
Siyempre pa, happy si Kimson sa magandang oportunidad na ipinagkaloob sa kanya, na maging parte ng isang foreign film at siya pa ang lead character.
“Sabi ko nga po sobrang blessed ko po,” bulalas ni Kimson.
“Sobrang blessed ko po sa management team ko po, sobra po, sobrang tiwala po yung binigay nila sa akin, si Nanay Joey [Abacan ng GMA], nanay-nanayan ko po yan, pag nagkakamali ako sinasabihan niya ako.
“Pag may ginagawa akong tama ina-acknowledge niya,”
Masuwerte raw si Kimson sa pagkakaroon ng management team na hindi siya pinababayaan.
“Sobrang thankful ko kasi lagi po silang nandiyan sa akin, never silang nagkulang sa pagbibigay ng advice, pagbibigay ng words of wisdom when I needed them the most, kumbaga laging happy, blessed.”
Natapos si Kimson sa shoot ng pelikula noong October 28, 2023.
“It’s showing this February, Chinese New Year.”
Isa sa mga cast members si Kimson ng ‘Lovers/Liars’ ng GMA na pinagbibidahan ni Claudine Barretto.
Kasama rin siya sa ’24/7′ na sitcom ni Vic Sotto.
***
SA ama niyang si Ricky Davao raw mas ninerbiyos si Rikki Mae Davao in coming out as a lesbian.
“Kaya siya yung last, after mom, na sinabihan ko,” kuwento ni Rikki Mae.
Bakit kay Ricky siya mas kinabahan at hindi sa ina niyang si Jackielou Blanco?
“I guess it’s just different… I know that he’s accepting as a person kasi may mga friends siya… siyempre yung ka-work niya sa industry, you know iba-iba talaga yung mga types of people.
“So… wala lang! Siguro pag sa dad number, one mas strict din siya.
“And daddy’s girl din kasi ako so siguro hindi ko lang sure kung ano ba talaga yung magiging response niya so kaya siya yung medyo natakot ako.”
May non-showbiz girlfriend si Rikki Mae, si Bloss; walong taon na ang kanilang relasyon.
Lahad ni Rikki Mae, “Schoolmate ko siya dati pero mas matanda siya sa akin ng four years. Actually yung sister po niya nagwu-work sa PEP, si Ingird Villafuerte po yung kapatid niya.”
Ano ang sekreto ng walong taon nilang relasyon.
“Patience sa isa’t-isa, pero mas sa kanya, patient siya sa akin” at tumawa si Rikki Mae.
Supportive raw ang kanyang partner sa desisyon ni Rikki Mae na mag-showbiz.
Aktibo na sa showbiz si Rikki Mae sa tulong ni Rams David ng Artist Circle talent management.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo
TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang “sinungaling” nang hanapin siya nito pagkatapos manalasa ang bagyong Ulysses. Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo na dumalo siya sa ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad. Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si […]
-
Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM
KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur. Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa. “We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our […]
-
NCCA’s Eksena Cinema Quarantine Films’ Now Streaming Worldwide
ECQ: Eksena Cinema Quarantine (COVID-19 Filmmakers’ Diaries), a project under the National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Cinema (NCCA-NCC), in cooperation with University of St. La Salle- Artists’ Hub. Featuring sixteen filmmakers namely Adjani Arumpac, Hiyas Baldemor Bagabaldo, Arbi Barbarona, Glenn Barit, Carlo Enciso Catu, Zurich Chan, Arden Rod Condez, […]