• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IRR ng child car seat law kinuwestyon ng mambabatas, posible umanong magamit sa katiwalian

Ibinunyag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na mayroong pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng House Committee on Transportation na irekomenda ang suspensyon sa implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, at nais nilang maghain ng panukala para isuspindi ang naturang batas.

 

 

Bagama’t binigyang-diin niya ang pangangailangan na magkaroon ng patakaran at panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata, nais ni Biazon na maging malinaw ang usapin hinggil sa kung papaano ito ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

“Isang point ang gusto kong i-raise sa implementation ng law, ‘yung nilalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) na pinatupad ng DOTr at LTO. Specifically ito ‘yung pagbuo ng tinatawag na fitting stations,” ani Biazon.

 

 

Sinabi ni Biazon na ang ‘fitting stations’ ay maaaring lugar o opisina kung saan ay ginagawa ang inspeksyon ng pagkakabit at wastong paggamit ng child seat restraints. Subalit ang pagbuo ng ‘fitting stations’ ay hindi kasama sa batas, ayon pa sa kanya.

 

 

“Ang problema natin diyan, aside from wala kasi ‘yan sa batas, ang sistemang ipapatupad nila ay meron pang accreditation. In other words, meron pang certain number of fitting stations na bibigyan ng accreditation ng LTO para magsagawa ng fitting ng child restraint devices,” punto niya.

 

 

Bukod sa karagdagang pahirap ito sa mga motorista, sinabi ni Biazon na ang akreditasyon ng mga fitting stations ay maaaring magamit sa katiwalian.

 

 

“Kapag may discretion na involved, there is an opportunity for corruption. Alam naman natin na ang motoring sector is one of the most highly regulated sectors at tsaka very prone to corruption kaya isa ‘yun sa mga points na ire-raise ko against sa IRR ng batas,” aniya.

 

 

Tinukoy rin ni Biazon na ang paglikha ng private motor vehicle inspection center ay isa na namang pahirap sa pinansya ng mga mamamayan, na hindi na kinakailangan, at kanyang hinimok na maghanap ng iba pang pamamaraan upang magpatupad ng kaligtasan sa mga sasakyan.

 

 

“Nagawa na ng pamahalaan ang ganitong serbisyo noon, ‘yung evaluating the vehicle as it is being registered. Pardon the suspicion pero ang dating kasi ‘nun, nakakita ng opportunity para makapagnegosyo.” (ARA ROMERO)

Other News
  • Sky Candy pinapaboran

    MAY pitong kabayo ang idineklarang mga tatakbo sa pag-arangkada ng 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) 3-Year-Old Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon (Linggo, Oktubre 25).   Nagtagisan sa papremyong sina American Factor, In The Zone, Kick The Gear, Phenom, Sky Candy, Spuntastic at Tony’s Love.   Nakikinita ng mga […]

  • PDu30, sinabihan si Bong Go na tumakbo sa pagka-pangulo

    SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Christopher “Bong” Go na tumakbo sa pagka-pangulo matapos na bitawan nito ang kanyang vice presidential bid kasunod ng desisyon ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang bise-presidente.   “Umiiyak si Bong, sabi ko wag ka umiyak, bakit ka iiyak, bukas ang president, tumakbo ka. […]

  • May global auditions sa next ‘Karate Kid’: Ralph Macchio at Jackie Chan, magsasama sa bagong version

    MAGSASAMA sa bagong version ng ‘Karate Kid’ sina Ralph Macchio at Jackie Chan.       Si Ralph ang gumanap bilang si Daniel LaRusso sa original ‘Karate Kid’ film noong 1984. Nakasama niya sa film ay si Pat Morita na gumanap na Mr. Miyagi. Pumanaw si Morita noong 2005.       Sa remake ng […]