PDu30, sinabihan si Bong Go na tumakbo sa pagka-pangulo
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Christopher “Bong” Go na tumakbo sa pagka-pangulo matapos na bitawan nito ang kanyang vice presidential bid kasunod ng desisyon ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang bise-presidente.
“Umiiyak si Bong, sabi ko wag ka umiyak, bakit ka iiyak, bukas ang president, tumakbo ka. E bakit ka iiyak dahil lang anak ko sumingit bigla,” ayon kay Pangulong Duterte sa isang panayam.
Sinamahan ng Pangulo si Go, araw ng Sabado na pumunta sa Commission on Elections office sa Intramuros, Manila para maghain ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national at local elections sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang allied party ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Sa kabilang dako, nagulat naman ang Pangulo nang maghain ng COC ang kanyang anak na si Mayor Sara para tumakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kabila ng pagiging top contender nito sa pagka-pangulo batay na rin sa kamakailan na surveys.
“Nagtataka ako, siya ang No. 1 sa survey, kung bakit siya pumayag na tatakbo ng bise, siya ang mataas ang rating, bakit? ,” ayon sa Pangulo.
Aniya, maaaring inimpluwensiyahan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang anak na tumakbo bilang bise- presidente.
“Hindi ko naman sya sinisisi kasi di naman kami nag-usap. Yun desisyon nila ang ayaw ko na tatakbo. I’m sure yun pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong,” aniya pa rin.
Ayon sa Pangulo “in a matter of hours”, ia-anunsyo niya kung tatakbo siya bilang bise-presidente at maging ka-tandem ni Go.
Aniya, susuportahan niya ang presidential bid ni Go “as a matter of principle.”
“E wala itong ginawang hambog na kwento na kaya nya, pero alam ko sa taon na nagserbisyo siya sa akin, alam ko talagang honest. Wala ka talagang masilip,” ayon sa Pangulo na ang tinutukoy ay si Go.
Sa panahon aniya ng election campaign, isisiwalat niya kung bakit suportado niya si Go kaysa kina Marcos o Manny Pacquiao.
Nilinaw ng Punong Ehekutibo na si Pacquiao, isa ring presidential candidate, ang humingi ng audience para sila’y magkita at magkausap noong nakaraang linggo.
“Sabi nya na magsama tayo for the sake of Mindanao. Sabi ko I am sorry, I cannot support you,” ayon sa Pangulo.
“Hindi talaga ako magsuporta sa kanya, hindi rin ako magsuporta kay Marcos, wala ako, basta ako kay Bong, niloko nila eh ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Giit ni Pangulong Duterte, “never” siyang nangako na susuportahan si Marcos. (Daris Jose)
-
Pagtaas ng bilang ng botante, iimbestigahan
MAGSASAGAWA ng imbestigason ang Commission on Elections (Comelec) sa ulat na may mga lugar na may mataas na bilang ng mga botante . Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang sa mga lugar na may biglaang pagdami ng bilang ng mga botante ay sa Makati, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Batangas. […]
-
PBBM, hinamon si Quiboloy na lumantad at harapin ang congressional inquiry
HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na lumantad at harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso na may kinalaman sa criminal allegations laban sa kanya. “I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has […]
-
Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis
HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo. May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo. […]