• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa sa tinuturing na ideal showbiz couple: JUDY ANN at RYAN, nag-celebrate na ng 15th wedding anniversary

TWENTY years ago, October 2004 ay pinagbidahan ni Judy Ann Santos ang ‘Krystala’, ang fantasy/adventure series ng ABS-CBN kung saan ang mortal na si Tala ay nagiging superhero dahil sa isang mahiwagang kristal.

 

 

Dito ay si Ryan Agoncillo ang naging leading man ni Judy Ann, dito rin nagsimulang mabuo ang kanilang magandang pagtitinginan.

 

 

April 28, 2009, ikinasal sila sa San Juan sa Batangas.

 

 

Fast forward to April 28, 2024, ika-labinlimang taong anibersaryo nina Judy Ann at Ryan, at ang simblo ng fifteen years na wedding anniversary ay crystal!

 

 

Krystala at crystal, ang gandang coincidence, di ba?

 

 

Anyways, biniyayaan ng tatlong naggagandahan at guwapong mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna, isa sina Juday at Ryan sa maituturing na ideal showbiz couple.

 

 

Marami ang humahanga sa kanila dahil sa tibay at ganda ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

 

 

Saludo rin ang karamihan sa maayos na pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.

 

 

At kung maganda ang takbo ng kanilang personal na buhay, bongga rin ang kani-kanilang showbiz career.

 

 

Maraming taon ng Dabarkads si Ryan sa ‘Eat Bulaga!’ samantalang si Judy Ann ay malapit nang mapanood sa ‘Bagman’ at sa ‘Call My Manager.’

 

 

At umeere na muli sa YouTube ang ‘Judy Ann’s Kitchen’.

 

 

Bukod pa nga sa kaliwa’t kanang product endorsement nilang buong mag-anak, yes silang buong pamilya, ay mega-successful rin ang kanilang Angrydobo restaurant branches (sa Taft at sa Alabang and more branches, soon!)

 

 

To Juday and Ryan, congratulations!

 

 

***

 

 

NATANONG si Marco Gallo kung ano ang tatlong pinaka-sweet na nagawa ni Heaven Peralejo para sa kanya.

 

 

“When Heaven takes care of me,” umpisang bulalas ni Marco.

 

 

“When she asks what food do I want, when she orders it for me.”

 

 

Niregaluhan rin ni Heaven ng vinyl player si Marco sa last shooting day ng ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang’, ayon na rin sa kuwento ng direktor nila sa pelikula na si Gino Santos.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Marco, “And when I saw that vinyl player, the first thing that I said, I was like, ‘You don’t have to buy this it’s so expensive!’

 

 

Hindi rin daw kailangang bigyan siya ni Heaven ng anumang mamahaling bagay o regalo para maging masaya siya.

 

 

“It was just super-sweet, I’m super thankful for that.

 

 

“The second one? Come on, let’s cut to the chase, let’s be honest, kapag nilalandi niya ako sa set,” at tumawa si Marco sabay harap kay heaven na katabi niya during the interview, “No, you know, when we have those scenes and you just give me those flirtatious eyes… or para sa eksena lang siguro,” ang nakangiting pagbawi ni Marco.

 

 

”Third… I think when she makes sure that I’m ready for the scene. So like, let’s say wala lang ako sa zone, and she just sits down with me, and helps me.”

 

 

May routine raw si Marco na kapag may mabigat na eksena siyang gagawin sa isang pelikula, nagsusuot siya ng earphones at nakikinig sa iba-ibang musika.

 

 

“And she sits down beside me and she’s holding my hand and she sits down and helps me out.

 

 

“And I think not every actress does that and the fact that she does, I appreciate it.”

 

 

Malaking factor raw si Heaven kaya naitawid ni Marco ang akting niya sa bago nilang pelikulang ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang’ na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong May 1.

 

 

Sa direksyon ni direk Gino, base ang movie sa best-selling book ni Stanley Chi na may kaparehong titulo at mula sa Viva Films at Sari Sari, MQuest Ventures, Studio Viva at Epik Studio.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads March 11, 2020

  • Pabuya para maaresto ang pumaslang kay Percy Lapid pumalo na sa P6.5-M

    PUMALO  na sa P6.5 milyon ang nakalaang pabuya sa pag-aresto sa pumatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Inanunsiyo kasi ni House Speaker Martin Romualdez na nag-ambag ang mga kongresista at umabot ito ng P5 milyon.     Magugunitang unang nagbigay ng P1-milyon na pabuya ang kaibigan ng pamilya habang mayroong P500,000 ang […]

  • ‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque

    Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19.   Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021.   Ang mga bansang […]