Isang daang libong sasakyan , maaaring mabigyan ng prangkisa ayon sa LTFRB
- Published on February 7, 2023
- by @peoplesbalita
PLANO ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory board na dagdagan pa ang mga Transport Network Vehicles Services na mabibigyan ng prangkisa.
Sa ilalim ng planong ito ay papayagan ng LTFRB na makakuha ng prangkisa ang 100,000 na sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng libo-libong pasahero sa Metro Manila.
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, mabibigyan lamang muna ng prangkisa ang 100k na sasakyan na una ng nagparehistro sa isang kilalang ride-hailing app.
Aniya, kung sakali man na hindi sapat ang naturang bilang ay dadagdagan ito ng ahensya upang mapunan ang pangangailangan ng mga pasahero.
Ito ay kasunod na rin ng “investment pledge” mula sa isang kilalang kumpanya na maaaring makapagbigay ng aabot sa 500k na trabaho para sa mga Pilipino.
Binigyang diin din ni Guadiz na susubukan rin ng kanilang ahensya na mabigyan ng prangkisa ang iba pang motor vehicle sa ibang parte ng bansa tulad na lamang ng lungsod na Bacolod, Iloilo, Cebu, at Davao.
Pagsisiguro ng LTFRB na hindi susobra ang bilang ng mga rehistradong Transport Network Vehicles Services o TNVS sa bansa at tiniyak na hindi liliit ang kita ng mga TNVS drivers. (Daris Jose)
-
Ilang mga pagamutan nag-alok ng home care para sa mga COVID-19 positive
May mga listahan na ang Department of Health ng mga pagamutan na magbibigay ng home care at telemedicines services para sa mga suspected, probable, mild at asymptomatic na pasyente para hindi na sila magpunta pa sa mga pagamutan. Ang nasabing hakbang ay dahil sa kawalan na ng mga kuwarto ng mga pagamutan dahil […]
-
Tiniyak ng DA: walang pagtaas o paggalaw sa presyo ng gulay sa NCR dahil kay bagyong Florita
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagsirit sa presyo ng gulay sa Kalakhang Maynila sa kabila ng matinding epekto ng Severe Tropical Storm Florita. Ang katuwiran ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, patuloy silang nagsasagawa ng assessment upang ma-identify ang halaga ng pinsala sa agrikultura at maging i-monitor ang suplay […]
-
Pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management program sa Navotas, pinaigting
SA hangarin na palakasin ang kanilang ecological solid waste management (ESWM) program, pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Mother Earth Foundation (MEF) at ang Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR). Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco […]