‘Isang ‘marangal, mabait’ na Santo Papa
- Published on January 4, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY pugay si Pope Francis, kay Benedict XVI na sinabing isa itong “marangal” at “mabait” na dating papa.
Ang dating santo papa ay namatay sa edad na 95-anyos, isang dekada matapos maging unang pontiff mula noong Middle Ages na nagbitiw sa pwesto.
“With emotion we remember a person so noble, so kind,” mensahe ni Pope Francis sa isinagawang New Year’s Eve service sa St Peter’s Basilica.
Pinasalamatan ni Pope Francis ang conservative German theologian na si Joseph Ratzinger na nakilala bilang Pope Benedect XVI para sa lahat ng kabutihang nagawa nito at binigyang-diin na ang kanyang mga sakripisyong inialay ay para sa ikabubuti ng simbahan.
Si Benedict ay pumanaw noong 9:34am (0834 GMT) sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican, kung saan siya nanirahan mula nang magbitiw ito sa pwesto.
Nagulat ang mundo noong 2013 nang siya ang naging unang papa sa halos anim na raang taon na bumaba sa puwesto kung saan binanggit nito ang kanyang humihinang mental at pisikal na kalusugan.
Ang pagpanaw ng dating papa ay nagtatapos sa isang “unprecedented situation” kung saan dalawang “lalaking nakaputi” sina Benedict at Francis ay magkasamang umiral sa loob ng mga pader ng maliit na estado ng lungsod.
Ayon sa Vatican ang bangkay ni Benedict ay ipapakita mula Lunes ng umaga sa St Peter’s Basilica upang payagan ang mga mananampalataya na magbigay ng kanilang paggalang, bago ang isang “solemne at simpleng” libing.
Siya ay ililibing sa mga libingan ng papa sa St. Peters Basilica. (Daris Jose)
-
PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators
UPANG ipakita ang kanyang malakas na “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga rice smugglers na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas […]
-
Emosyonal sa pagtatapos ng termino bilang Congressman: ALFRED, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC bilang isang Councilor
TULOY-TULOY lang ang pagsi-serve ng actor-public servant na si Alfred Vargas kahit tapos na ang termino niya bilang Congressman ng QC. Pinost ni Alfred ang kanyang panunumpa sa bagong posiston bilang Konsehal. Caption niya, “Public service is a call we’d gladly and honorably answer any time. “Tuloy tayo sa paglilingkod […]
-
Ads May 24, 2024