• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang matinding ‘never’ at napa-eeeeew! ang anak: CIARA, malabo pang magka-boyfriend dahil tutol pa si CRIXUS

SA latest Q & A vlog ng actress na si Ciara Sotto, sinagot nga niya ang mga tanong tungkol sa status ng kanyang pakikipag-relasyon.

 

 

Naitanong kay Ciara kung may boyfriend na ba siya, pagkatapos ng paghihiwalay ng asawang businessman na si Joe Oconer noong 2016.

 

 

Nakaaaliw naman ang naging reaction ng anak nila na si Vicenzo Xose na kilala rin bilang Crixus. Maririnig kasi sa background ang matinding pagtutol ng 7 years old na anak sa pagkakaroon niya ng boyfriend o bagong karelasyon.

 

 

Isang matinding, “NEVER!” ang sabi ni Crixus.

 

 

Kaya naman tawang-tawa si Ciara sabay sabing, “Grabe ‘yung anak ko! Doon ka nga. Grabe ayaw akong magka-bf,”

 

 

Pang-aasar pa niya sa anak, “Paano kung meron na?” Napa-“Eeeeew!!!” na lang ang anak niya.

 

 

Tanong naman ng kanyang follower, “How are you and Crixus’ dad?”

 

 

“We’re good friends, okay? I think we’re co-parenting well,” sagot ni Ciara.

 

 

Never naman silang naging enemies. Constant pa rin ang pag-uusap nila ng dating asawa at ‘yun gusto niyang makita ang kanilang anak, kaya okay na sila sa ganung situasyon.

 

 

Tungkol naman sa pakikipag-deal niya sa cheating…

 

 

“I can’t deal with cheating,” mabilis niyang sagot.

 

 

“So if the guy cheats, goodbye! Bigay niyo na sa kanila kung ayaw na nila sa iyo. Bye!” dagdag pa ni Ciara.

 

 

Samantala, pinost naman ni Ciara sa kanyang Instagram ang series of photos ni Crixus na suot nito ang football uniform, may caption na, “Ready for his 2nd tournament ⚽️ #Crixiano #Football #MyLittleRonaldo.”

 

 

Pinusuan naman ito ng mga followers at celebrity friends, na halos lahat ay tuwang-tuwa at parang gulat na gulat na ganun na pala kalaki ang anak niya na moreno at lumalabas na talaga ang kaguwapuhan.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bukod kay Liza na nag-convince na mag-concert: ICE, grabe rin ang pasasalamat kay SYLVIA dahil naniwala agad sa vision ng project

    KUNG ganun-ganun na lang pasasalamat ni Ice Seguerra sa wife na si Liza Dino-Seguerra, na nag-suggest nga na magka-concert siya to celebrate ang kanyang 35 years in the industry at ang kinalabasan ay sold-out concert nga ang ‘Becoming Ice’ last October 15 sa The Theater at Solaire.   Isa pa sa labis na pinasasalamatan ni […]

  • PBA tatapusin ang elims sa Pampanga

    Target ng PBA ma­nagement na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR.     Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30.     Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa […]

  • PBA players, coaches officials nag-swab test na!

    Sumalang na sa swab test kahapon ang lahat ng players, coaches, staff at officials para sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Pampanga.     Bahagi ng health protocols na ipinatutupad ng liga ang swab test bilang tugon sa nakasaad sa Join Admi­nistrative Order (JAO) ng PSC, GAB at DOH.     Tuwing […]