ISANG MILYONG PISO, NATANGAY SA ISANG JEWELRY SHOP SA MAYNILA
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG isang milyong piso ang natangay sa isang kabubukas lamang na jewelry shop ng hinihinalang tatlong suspek Miyerkules ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa may-ari ng Dulo’s jewelry na si Dulo Cai , isang Filipino-Chinese na kabubukas lamang niya ng kanilang store na matatagpuan sa Recto Avenue sa pagitan Torres St at ng Rizal Avenue nang pumasok ang isang lalaki.
Sa kuha ng CCTV footage ng jewelry store, may dalawa pang lalaki na posible umanong kasabwat at nagsilbing look out at sumenyas nang nalaman na nag-iisa lamang ang biktima.
Ayon pa kay Cai, tinutukan siya ng baril ng suspek kaya hindi na ito nakapalag pa .
Kasunod nito, tinangay ang bag nito na naglalaman ng kalahating milyong piso bukod pa sa mga gintong alahas na nagkakahalaga rin ng kalahating milyon.
Sinubukan naman ng mga tambay sa jewelry store at guwardiya ng katabing hotel na sumaklolo sa biktima ngunit maging sila ay tinutukan ng baril. (GENE ADSUARA)
-
Tracy Maureen, nakapasok sa Top 13… Karolina Bielawska ng Poland, kinoronahan bilang Miss World 2021
KINORONAHAN bilang Miss World 2021 si Miss Poland Karolina Bielawska. Ginanap ang Miss World 2021 sa Coca-Cola Music Hall in San Juan, Puerto Rico. Tinalo ng Polish beauty sa grand coronation night ang 39 candidates na nagmula sa iba’t ibang bansa. Ang 1st Runner-Up ay si Miss USA Shree […]
-
Utos ni PBBM sa DND, sugpuin ang ‘criminal activities’ sa Negros Island
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na sugpuin ang “criminal activities at impunity” sa buong Negros Island. Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor […]
-
P2.4-B na ang refund sa mga nakanselang flights – Cebu Pacific
KINUMPIRMA ng Cebu Pacific Air na umaabot na sa P2.4 billion ang kanilang naibibigay na refund sa mga pasahero mula nang ipatupad ang mga kanselasyon ng biyahe dulot ng COVID crisis. Ang naturang halaga ay 50% umano ng mga natanggap na refund request. Sa ngayon meron pa silang nakabinbin na mga kahilingan na […]