Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin sa paparating na two-week ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021.
“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang hahayaang lumabas para makakuha ng pangangailangan sa kanilang mga bahay,” ayon kay Padilla sa Laging Handa public briefing.
“Ang ating hinahangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” aniya pa rin.
Nauna rito, ilalagay sa mas mahigpit na ECQ classification ang Metro Manila mula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.
Subalit, simula muna sa July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.
“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.
Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.
Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na ang guidelines hinggil sa cash aid, public transportation, at galaw ng mga tao sa panahon ng two-week lockdown period ay ipalalabas bago pa magsimula ang ECQ.
Sa ilalim ECQ, tanging ang mga essential trips at services lamang ang pinapayagan habang sa ilalim naman ng GCQ “with heightened restrictions” at additional restrictions protocol ay ipinagbabawal naman ang indoor at al fresco dining.
Ang desisyon na magpatupad ng “strictest quarantine mode” ay tugon sa apela ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng Metro Manila mayors, nang makipagpulong ito sa inter-agency COVID-19 task force ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng “stricter measures” sa rehiyon. (Daris Jose)
-
Parks, Jr., Pogoy ginaya sina Paras, Magsanoc
SI Roger Ray (RR) Pogoy ang nagpasabog sa unang laro ng Talk ‘N Text sa 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations reopening nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble sa Angeles City, nang kumontak ng career-high 45 points patungo sa 100-95 pagpanis ng Tropang Giga sa Alaska […]
-
Mayor Jeannie, kinilala bilang “Most Influential Filipina Woman in the World”
NAPILI si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para tumanggal ng pristihiyosong “Most Influential Filipina Woman in the World” award mula sa Foundation for Filipina Women’s Network (FWN). Si Sandoval ay pinarangalan sa Awards Gala Ceremony, ang highlight ng 20th Filipina Leadership Global Summit, na ginanap sa Sheraton Grand Sydney Hyde Park sa Sydney, […]
-
GAB, nag-post ng mala-thirst trap photo na resulta ng extensive workout; dumaan noon sa mental health breakdown
NAG–POST ng mala-thirst trap na photo si Gab Valenciano na kinainteresan ng maraming netizen sa social media. Nagpakita si Gab ng naging resulta ng kanyang extensive workout mula July hanggang September 2021. Kitang-kita ang six-pack abs niya sa kanyang body transformation. Bahagi raw ito ng kanyang malaking pagbabago para mabalanse niya […]