• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isolation facilties ng Valenzuela, dinagdagan ng DPWH, IATF

LUBOS na nagpasalamat si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagpapatayo ng isa pang isolation facility lungsod.

 

Ani Gatchalian ang pasilidad na matatagpuan sa Arkong Bato ay magsisimula nang paganahin sa susunod na lingo.

 

Ang nasabing pasilidad ay madaragdag sa 1,000 kama para sa COVID-19 patients na pinagagana ng lungsod.

 

Ang unang isolation facility na nagawa na ng DPWH para sa Valenzuela ay may 40 kama.

 

Samantala, bilang karagdagang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19, ang Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela ay nagpasa ng ordinansa na nagsusulong ng maingat na pagtatapon ng mga gamit na face mask at face shield.

 

Bago ang araw ng koleksyon ng basura, ang mga gamit na face mask at face shield ay dapat munang i-disinfect gamit ang chlorine-based solution.

 

Ang mga ito ay dapat itapon sa dilaw na garbage bag o sa kahit anong kulay na garbage bag na may nakasulat na “infectious waste” pagkatapos ma-disinfect.

May karampatang multa ang mga mapapatunayang lalabag sa nasabing ordinansa. (Richard Mesa)

Other News
  • NASAGI SA BALIKAT, TRUCK DRIVER, NANAKSAK NG 5 KATAO

    SUGATAN ang limang indibidwal kabilang ang isang babae nang mistulang naghuramentado ang isang lasing na  truck driver matapos na nagtalo dahil lamang sa nagkasagian ng balikat sa Tagaytay City Huwebes ng gabi.     Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang  biktimang sina   Jorgie Bagay y Legaspi, (babae), 41; Jan Rishan Fajardo y Cortez, 19; Ron […]

  • Record high na pondo sa 2023 ni presumptive Pres. Marcos, papalo sa P5.268-T – DBM

    PAPALO raw sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023.     Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing.     Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng […]

  • Ads September 22, 2021