IVERMACTIN, INAPRUBAHAN NA NG FDA
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.
Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19.
“May isang ospital na nag-apply for compassionate use at na-grant na nga ng araw na ito”, ayon kay Domingo.
Una nang sinabi na ang gamot na Ivermectin ay pinahihintulotan lang na gamitin para sa hayop at hindi pinapayagan para panggamot sa tao lalo na para sa panlaban sa COVID-19.
Gayunman, nilinaw ni Domingo na ang nasabing “compassionate use” permit sa paggamit ng Ivermectin ay naiiba mula sa nakabinbing aplikasyon ng dalawa ng local na manufacturers na humihingi ng certificate of product registration para sa Ivermectin. (Gene Adsuara)
-
2 hanggang 3 taon bago bumalik ang Pinas sa normal – PDU30
HINDI na dapat pang umasa ang mga filipino na kaagad na makababalik ang bansa sa normal na situwasyon nito dahil sa COVID-19 pandemic. Sinabi ng Pangulo na 2 hanggang 3 taon pa ang ipaghihintay ng mga filipino bago maramdaman ang pagbabalik sa normal ng Pilipinas. “We will not be able to return to […]
-
Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto
NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund. Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang […]
-
“DUNE: PART TWO” TRAILER TAKES AUDIENCES BACK TO THE DESERT
LONG live the fighters. The saga continues as award-winning filmmaker Denis Villeneuve embarks on the epic adventure “Dune: Part Two,” the next chapter of Frank Herbert’s celebrated novel “Dune.” The highly anticipated follow-up to 2021’s six-time Oscar-winning “Dune,” from Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures, opens in Philippine cinemas November 1, 2023. Watch the trailer: https://www.youtube.com/watch?v=ekp7Lah6TL4 […]