• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IVERMECTIN, LABAG SA PAGBEBENTA

LABAG ang pamamahagi, pagbebenta at kahalintulad ng mga hindi rehistradong medical products gaya ng Ivermectin,sa ilalim ng Republic Act 9711 of FDA Act 0f 2009  ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ito ni Health Usec Maria Rosette Vergeire, sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa paggamit ng naturang gamot na isang veterinary product .

 

 

Ilan kasi sa mga nagsusulong sa paggamit ng naturang gamot para sa COVID-19 ay ilang mga kongresista na umano’y nakasubok na rin sa Ivermectin.

 

 

Babala naman ng DOH, hindi matitiyak ng gobyerno na ligtas ang naturang gamot lalo’t hindi rehistrado para inumin. Hindi rin umano ito kayang protektahan ang sinuman mula sa anumang sakit.

 

 

Ayon pa kay Vergeire, ang Ivermectin ay wala pang aprubado sa FDA  para sa human consumption o para maaaring magamit o mainom ng tao at lalo para sa  panlaban sa COVID-19.

 

 

Nauna na ring inihayag ng kumpanyang Merck, na siyang manufacturer ng Ivermectin, walang “scientific basis,” ebidensya at kulang pa sa safety data na makakapagsabing epektibo ang Ivermectin kontra sa COVID-19. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ika-4 na Guinness Book of World Records ni Paeng

    Sa ikaapat na pagkakataon ay muling pinarangalan ng Guinness Book of World Records si Filipino bowling legend Paeng Nepomuceno.   Mula sa dating 118 ay pinalobo ni Nepocumeno sa 133 ang kanyang career tenpin bowling championships para sa record na Most Bowling titles.   Nakamit ng Pinoy bow­ling legend ang kanyang ika-133 titulo noong 2019 […]

  • In Striking Doctor Doom Art: Cillian Murphy Could Be The MCU’s New Major Villain

    Cillian Murphy gets imagined as Doctor Doom in dark Marvel Cinematic Universe fan art.  The MCU is currently going through a major crisis, as Kang the Conqueror actor Jonathan Majors was fired after he was found guilty of two misdemeanor counts of harassment and assault. While no word has come on what will happen with Marvel’s Multiverse Saga plans, a past […]

  • HEAT, ABOT-KAMAY NA ANG NBA FINALS MATAPOS PASUIN ANG CELTICS SA GAME 4, 112-109

    NANGANGAILANGAN na lamang ng isang panalo ang Miami Heat upang tuluyan nang makapasok sa NBA Finals matapos na makaligtas sa naghihingalong Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 112-109.   Bunga ng panalo, nakuha na ng Miami ang 3-1 lead sa best- of-seven series at makalapit ang koponan sa kanilang kauna- unahang NBA […]