• October 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IWAS COVID-19

PANDEMIC na ang COVID-19, sambit ng World Health Organization (WHO) na ibig sabihin ay mala-king bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus.

 

Maging ang Switzerland at Austria na masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso. Maski sa Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 ma-karaang may dapuan sa Iran at mismong ang de-puty health minister doon ang tinamaan. Marami na rin ang nagkaroon ng sakit sa Italy.

 

Sa ngayon ay nangangamba naman ang Japan na maaaring hindi matuloy ang Tokyo Olympics dahil sa pagkalat ng virus. Pumapangalawa ang South Korea sa may pinakamaraming tinamaan ng virus na umaabot na sa 1,260 at 12 na ang namamatay.

 

Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang Chinese ang mga biktima na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na namatay.

 

Wala pang Pinoy na direktang nahawahan ng sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat at sinisigurong walang makakapasok na may taglay na virus.

 

Ang partial travel ban na pinag-utos ng pamahalaan sa South Korea ay isang magandang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sa ilalim ng travel ban, hindi makakapasok sa bansa ang mga turistang nanggaling sa North Gyeongsang province, South Korea. Sa nasabing lugar nagsimula ang outbreak makaraang isang Chinese umano ang dumalo roon para sa religious rites. Halos buong miyembro ng religious sect ay nahawahan umano ng sakit.

 

Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan ang COVID-19.

 

Ipatupad pa ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa. Ipagpatuloy ng Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na laging maghugas ng kamay ang lahat para hindi mahawahan ng COVID-19.

 

Gumamit ng face mask subalit huwag namang mag-panic sa pagbili nito at baka naman maubusan ang hospital workers. Sa pag-iingat at pagiging malinis at malakas ang katawan, kusang mamamatay ang virus.

Other News
  • Pinas, magpoprotesta-PBBM

    IPO-PROTESTA mapanganib na pagmamaniobra” ng Pilipinas ang kamakailan lamang na probokasyon ng Tsina matapos na magsagawa ng “pangha-harassed, pagharang, paggamit ng water cannons, at pagsasagawa ng ang China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels para illegal na hadlangan ang routine ng Philippine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin […]

  • Inaming may insecurity na pilit niyang itinatago: BEAUTY, nakararanas pa rin ng anxiety na nauuwi sa panic attacks

    INAMIN ni Beauty Gonzalez sa isang vlog na meron siyang insecurity sa kanyang sarili na pilit niyang itinatago sa maraming tao.     Kung inakala raw ng marami na confident siya sa lahat ng bagay, hindi raw totoo iyon dahil madalas daw siyang makaranas ng anxiety na nauuwi sa pagkakaroon ng panic attacks.     […]

  • House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong

    SA HANGARING mabawasan o mapigilan na ang anumang “firecracker-related injuries,” nais ng isang mambabatas ang tuluyang pagbabawal o total ban sa bentahan, distribusyon at paggamit ng mga “firecracker” o paputok at iba pang pyrotechnic devices.     Sa House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at […]