• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Janella, nananahimik pa rin sa isyung buntis at sa UK manganganak

HINDI pa rin tahasang umaamin at hindi rin naman nagde-deny sa kabila ng maingay naman na ang isyung buntis nga si Janella Salvador at ang ama ay ang boyfriend na si Markus Patterson.

 

Nasa U.K. ang mga ito ngayon na kung totoo naman talagang buntis, walang duda na doon na manganganak. At sa Instagram post ng ina ni Janella na si Janine Desiderio, mukhang masaya naman ito ngayon sa kung ano man ang situwasyon ng anak. Mukha rin na very supportive.

 

Halatang proud din na nang mag-birthday siya sa U.K. at nag-share ng pictures, ang anak at si Markus ang punong- abala sa preparasyon. Kasama rin ang ama ni Markus.

 

Sey ni Janine, “Thank you very much for all the greetings & wishes! It truly was a memorable quarantine birthday for me here in the UK! Special thanks to @superjanella & @markus for the cake & for cooking this special surprise dinner for me of lobsters, fusilli in fresh mushroom sauce & chilli prawn tomato spaghetti! Done with the help of their look-out, Russel = And to Mr. P, for his special homemade Cherry Gin. My heart is full d’ God is good all the time.”

 

Natutuwa naman ang mga netizen na makitang okay kay Janine si Markus at okay na rin ang relasyon ng mag-ina ngayon.

 

*****

 

MATAPOS ang ilang buwang pagte-tape ng All-Out Sundays: The Stay Home Party sa kani-kanilang bahay, ngayong Linggo ay live na mapapanood ang mga regular hosts ng show.

 

Noong Linggo ay masayang inanunsiyo ng cast members ang kanilang pagbabalik sa studio. At siyempre, marami sa mga netizens ang na-excite na makita at mapanood muling mag-perform on stage ang AyOS Barkada.

 

Sinigurado naman ng cast members na magbabalik-studio at lahat ng bumubuo ng programa ang maingat na pagsunod nila sa safety protocols at guidelines habang nasa set.

 

Bukod sa mga pasabog na performances, may bagong guests din na hindi dapat palampasin. (ROSE GARCIA)

Other News
  • RACHELLE ANN, first time na nag-celebrate ng birthday bilang isang ina; nagsimula na ang pagbabalik-’Les Miserables’

    TAHIMIK ang naging birthday celebration ni Rachelle Ann Go-Spies kasama lang ang kanyang husband and baby boy sa United Kingdom.      Nag-turn 35 years old si Rachelle noong August 31. Ito raw ang first time niyang mag-birthday bilang isang nanay na.     “35. My family is the best gift. God is so so […]

  • Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na

    MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo.     Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa […]

  • 53 lugar sa Pinas nasa COVID-19 alert level 4

    Nasa 53 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng COVID-19 Alert Le­vel 4 ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso na nahahawa ng virus at pagtaas din ng healthcare utilization rate.     Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay nanga­ngahulugan na ang isang lugar ay klasipikado […]