JANINE at RAYVER, kumpirmadong hiwalay na at walang ‘third party’; aabangan kung madi-develop kina PAULO at JULIE ANNE
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
NAKALULUNGKOT naman na totoo at kumpirmadong hiwalay na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.
Ayon sa lumabas na balita, isang buwan na raw na magkahiwalay sina Janine at Rayver, na ang rason ay nawalan ng oras sa isa’t-isa, pero wala naman tinuturong third party sa break-up ng magkasintahan.
At dahil na sa kaganapan sa relasyon nina Janine at Rayver, bali-balita namang nagkakamabutihan na sina Rayver at Julie Ann San Hose na magkasama sa shows ng GMA-7 tulad ng The Clash at All-Out Sundays.
At si Rayver nga ang special guest ni Julie Anne sa part 2 ng digital concert na Limitless na ‘Heal’, at marami ngang kinikilig sa kanilang tambalan.
Si Janine naman ay nali-link ngayon kay Paulo Avelino, na katambal niya sa Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You na nagsimula ang Book 2.
Sa Instagram account ni Rayver ay burado na ang ilang couple pictures nila ni Janine habang sa Instagram account ng aktres ay makikita pa ang couple pictures ng ex-boyfriend.
Reaction naman ng netizens sa break-up nina Janine at Rayver:
“Why nman? Muka naman mabait at disente si Rayver.”
“Jusko day mukha naman mabait c Rayver. Baka mapunta sya kay P no way.”
“Another break up nanaman. Totoo nga ang sabi na 2021 ay year of the break up.”
“Ahahahahahahahaha! Lumipat si lalaki sa GMA para magkasama sila sabay lipat naman ni girl sa Dos! Meant to be!”
“Ok lang di naman sila bagay.”
“Parang ‘di naman kasi sila bagay. Olats din mamimili tong si Janine ng dyowa.”
“Feel ko type ni Paulo c Janine. Hindi pala-like si Paulo ng pics pro lagi siya present sa post ni Janine.”
“Next niyan, si Janine at Paulo na.”
“True, di na nakakagulat… parang type din kasi ni J si P if you follow her social media accounts… pansin ko lang.”
“Good for her! Wala syang future dyan.”
“Mas good for him.”
“Pwede na kay Julie Anne char…”
“Ay kahit sino wag lang kay Janine.”
“SA WAKAS NAUNTOG DIN.”
“Tapos kay Paulo ang bagsak??? AHAHAHAHAHAHA.”
“Kaya takang taka ako kay Paulo Avelino sa mga pahaging kay Janine, kahit pa sabihin na for promotion lang, yun pala break na talaga sila.”
“Saw this coming nung sinabi ni Paolo A na single si Janine. Okay lang din naman. Busy sila sa kanya kanyang career lalo na si R. Parang last month eh araw araw siya sa TV.”
“Eh ‘di sina Janine and Paulo na cguro. Tapos sina Julie and Rayver na rin. Ang saya.”
“Hindi kaya ma-develop si Rayver kay Julie, palagi sila mgkasama sa show.”
“I feel something between rayver and japs talaga. Iba kasi pag lagi mong kasama.”
“Napabrows ako ng IG nila. Si guy, wla ng bakas ni ate. Si ate, may isa pa kong nakitang photo nila together. Lol!”
“Kaya wala talaga yan sa kung lowkey ka sa social media or malakas ka mag post. Parehas lng yan, pag di kayo eh magbi-break talaga. Etong dalawa ang lowkey lang, nag break pa rin naman.”
“Maka-judge to sa tao akala mo ang perfect. Baka nga mas malakai pa ang narating nya kisa sayo, please spread some kindness and stop bashing Janine, hindi naman natin alam yung buong reason bakit sila nag break. Give them some privacy and peace, God bless.”
“Grabe mga nang lalait kay R ah.. catch kaya sya, mabait sa family,no scandals, may investments, business and bahay na, ang taas ng standard nyo ah.”
“Grabe makalait. The Cruz brothers are a catch. May itsura, hindi walwal, tight knit family at masinop sa pera. They may not be pangbida levels but they are hardworking. Tingnan mo nga naman nakapagpatayo ng magagandang bahay.”
(ROHN ROMULO)
-
Cascolan ‘no comment’ sa possible extension sa kanyang termino
NO comment si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10,2020. Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol sa kanyang nalalapit na pagreretiro, na limang araw nalang mula ngayon, pero ano man ang desisyon ng Pangulo ay […]
-
16 NBA players panibagong nahawa sa COVID-19
Kinumpirma ngayon ng NBA na umaabot sa 16 na players ang panibagong nahawa sa COVID-19. Tumanggi naman ang NBA na ibulgar ang mga pangalan ng naturang mga players. Ang nasabing bilang ay nanggaling umano sa 497 players na isinailalim sa COVID-19 mula Jan. 6. Tiniyak naman ng liga na maging ang mga […]
-
Bentahan ng isang brand ng vape, sinuspinde ng DTI
SINUSPINDE na ng Department of Trade and Industry ang pagbebenta, manufacture, importation, at distribution ng isang brand ng vape sa local market. Ito ay matapos ang inilibas na preliminary order ng DTI noong Marso 15, 2024 na nag-uutos sa pagpapatigil sa pagbebenta ng mga vape products na gawa ng kumpanyang Flava Corp. nang […]