Japan, kinokonsidera ni PBBM na isama sa Balikatan drills kasama ang Estados Unidos
- Published on April 17, 2024
- by @peoplesbalita
KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama ang Japan sa nalalapit na Balikatan Exercises, isang taunan na military activity sa pagitan ng armed forces of the Philippines (AFP) at Estados Unidos.
“Now with the inclusion of Japan into some of these exercises that we have been doing—not only Balikatan but others—I do not see any reason why Japan should not be part of those exercises in the future,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel.
“That again is, I think, is a good move for us to make simply because it will make it easier for us to work together and to coordinate together,” dagdag na wika nito.
Inurirat kasi ang Pangulo kung may plano na isama at pasalihin ang Japan sa Balikatan Exercises sa susunod na taon, ang tugon ng Pangulo ay “we will see about that” at sinabi pa na “maybe something that we can study.”
“We will look again how the trilateral agreement has allowed more options to include Japan and we will see. I, for one, have no objection to such an idea,” diing-pahayag ng Punong Ehekutibo.
Nakaugalian na ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT), subalit ang trilateral summit na isinama ang Japan sa Washington D.C. noong nakaraang linggo ang nagbukas ng oportunidad sa papel ng Tokyo sa annual defense exercises.
Ang Japan, kasama ang Australia, Pilipinas at Estados Unidos ay bahagi rin ng four-state military drills sa South China Sea bago pa ang trilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos, US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Ngayong taon, ang Balikatan ay nakatakdang tumakbo mula Abril 22 hanggang Mayo 8, at napaulat na isasama ang drills sa kahabaan sa ‘outer edge’ ng South China Sea waters na nasa loog ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, itinuturing na “highly contested region” na inangkinn naman ng Tsina ng buo.
Ang joint military exercises sa pagitan Pilipinas at Estados Unidos ay bunsod ng patuloy na agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea.
Sinabi ni Pangulong Marcos na “working together with Japan and the United States will help the Philippines focus “where the problems are,” as well as “maximize the resources that we have so that we can maintain the peace and stability and the freedom of navigation and adhere totally and completely and constantly to the rule of international law, specifically the UNCLOS.” (Daris Jose)
-
Covid-19 vaccine hindi dapat pagkakitaan o gawing commercialize ng mga ospital- Sec. Galvez
IGINIIT ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi talaga dapat na maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang Covid-19 vaccine. Sinabi ni Sec.Galvez, na kung siya ang tatanungin ay nais niyang mapangalagaan ang kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa pag-aangkat ng bakuna. Aniya, una nang […]
-
DOH: Na-maximize namin ang 2-week MECQ para sa ‘recalibration’ ng strategies vs COVID-19
Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na nasulit nila ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) dito sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, para mapunan ang ilang kakulangan sa responde ng bansa sa pandemic na COVID-19. Pahayag ito ng DOH kasabay nang pagbabalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) […]
-
RICKY LEE, nagpapasalamat sa pagre-restore ng ‘Sagip-Pelikula sa 14 na pelikulang sinulat niya
BIHIRANG mag-post sa kanyang Facebook account ang multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee. Pero nag-post siya noong Friday, not because it is his birthday kundi para ipaalam sa mga tao ang ginagawang film retrospective ng ABS-CBN Restoration ‘Sagip-Pelikula’ ng mga pelikulang sinulat niya, para sa birthday month niya na nag-start noong March 16 […]