Japanese tennis player Naomi Osaka bumagsak ang ranking
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
Bumagsak na ang world ranking ni Japanese tennis star Naomi Osaka.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakasama si Osaka sa top 10 mula noong magwagi ng 2018 US Open title.
Ang dating world number 1 hindi na nakapaglaro mula ng matanggal sa ikatlong round ng US Open noong nakaraang buwan.
Sa inilabas na ranking ay nasa pang-12 na ang kaniyang puwesto.
Nauna sinabi ng 23-anyos na si Osaka na sabik na ito sa paglalaro.
Nitong taon lamang ay hindi umatras na siya sa French Open at Wimbledon dahil umano sa problema niya sa mental health.
Nanguna sa puwesto ng WTA si Ashleigh Barty ng Australia n a sinundan ni Aryna Sabalenka ng Belarus at pangatlong puwesto si Karolina Pliskova ng Czech Republic.
-
Ads May 20, 2022
-
Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad
Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya […]
-
Boxing, horse racing pinayagan na ng IATF
Pinayagan nang makabalik sa paglalaro ang professional boxers at horse racing, maging ang mga lisensyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusements Board (GAB), habang inaasahang darami pa ang sportsĀ na posibleng payagan sa mga lugar na pinapatupad ang mas pinagaan na General Community Quarantine. Ito ang ginawang paglilinaw ng GAB sa mga […]