JC Intal nag-retiro na sa paglalaro sa PBA
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasya na si PBA veteran JC Intal na magretiro sa paglalaro.
Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa nasabing liga sa loob ng dalawang dekada.
Isang malaking karangalan aniya na maging bahagi sa nasabing liga.
Matapos kasi ang paglalaro niya sa Ateneo Blue Eagles ay naging fourth overall pick ito sa 2007 PBA Rookie Draft ng Air21 Express.
Matapos ang dalawan gseason ay lumipat ito sa Barangay Ginebra at Purefoods bago bumalik sa Barako Bulls noong 2013 hanggang sa makuha ito ng Phoenix Fuel ang koponan
Naging bahagi siya ng 2015 FIBA Asia Championship sa China na mayroong average na 3.8 points, 2.3 rebounds at 1.3 assist per game.
-
Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino
NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2. Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza […]
-
DOLOMITE BEACH, MULING MAGBUBUKAS
INAASAHAN ang muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach sa mismong Araw ng Kalayaan sa June 12,2022. Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda para sa muling pagbubukas kung saan tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa Dolomite beach. Mapapansin din ang ilang mga tumpok ng white sand na inaasahang ilalatag dito […]
-
Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG). Pinalitan ni Morales sa puwesto si Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang Commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines, […]