• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeric, naka-apat na international best actor awards: KEN, aabangan kung maitutuloy ang winning streak ni Direk LOUIE

AFTER Jeric Gonzales, si Ken Chan na kaya ang next actor na magwawagi ng award para sa movie na dinirek ni Louie Ignacio?

 

Si Ken kasi bida sa upcoming directorial project ng premyadong director titled Papa Mascot.

 

Huling nakatrabaho ni Direk Louie si Ken sa MMFF 2021 entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions na Huling Ulan sa Tag-araw.

 

Excited si direk Louie na muling makatrabaho si Ken dahil nag-enjoy siya sa huli nilang pagsasama.

 

Kung kabado man si Ken dito sa Papa Mascot, tiyak na may assurance siya from Direk Louie na he will do good sa film.

 

“Kailangan lang naman niya magtiwala sa kanyang sarili that he can do it,” sabi ni Direk Louie the last time nakausap namin siya.

 

Halos ganito ang sinabi ni Direk Louie kay Jeric nang i-offer niya rito ang Broken Blooms. Take note, apat na international best actor awards sa festivals ang napanalunan ni Jeric.

 

Maipagpapatuloy ba ni Ken ang winning streak ni Direk Louie? Abangan!

 

***

 

SI Marian Bermundo, who is only 13 years old, ang reigning ‘Little Miss Universe’ which she won sa Georgia in Europe.

 

Via online selection napili si Marian who is in Grade 10 at mahusay sa Math.

 

Idol niya si Catriona Gray and this early she has expressed interest na sumali sa Binibining Pilipinas when she is old enough, with the hope of getting the Bb. Pilipinas Universe crown.

 

Siyempre pangarap ni Marian na mula sa pagiging Little Miss Universe ay mapapalunan din niya ang totoong Miss Universe crown na inaasam ng marami.

 

Thankful si Marian sa suporta ng kanyang mga magulang, teachers and schoolmates sa pagwawagi niya.

 

Malaki ang pasasalamat ni Marian na, at a young age, ay naranasan niya na naging isang title holder ng isang prestigious beauty contest.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Bilib kay VP LENI at sa ‘Angat Buhay Lahat’ movement: MONSOUR, nanghihikayat na piliin ang tamang lider na para sa gobyernong tapat

    ISANG buwan bago ang Pambansang Halalan sa Mayo 9, karamihan sa mga bontanteng Pilipino ay nakapili na ng kanilang ibobotong pangulo at pangalawang pangulo.     Batay naman sa huling survey ng Pulse Asia mula Marso 17 – 21, sina VP Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan ay umabante na sa 24% at 15%. […]

  • Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF

    MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan.   Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa  ng iba’t  ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus.   Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang […]

  • PALARONG PAMBANSA 2020, KANSELADO SA COVID-19

    BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa na gaganapin sana mula May 1 hanggang May 9, 2020.   Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na host ng 2020 Palaro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong […]