• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Joel Embiid nagpakita ng MVP caliber na performance

SINAPAWAN ni Joel Embiid si Nikola Jokic sa tapatan ng MVP candidates sa Philadelphia nitong Sabado.

 

Nagtistis si Embiid ng 47 points, 18 rebounds para ihatid ang 76ers sa 126-119 panalo laban sa Denver Nuggets sa Wells Fargo Center.

 

Sa huling dalawang seasons, 1-2 sina Jokic at Embiid sa botohan para sa MVP.

 

“He’s really talented,” ani Jokic, tumapos ng 24 points, 8 rebounds at 9 assists. “Really shifty.”

 

Nag-ambag ng 17 points, 13 assists si James Harden, nilista lahat ni Tobias Harris ang 14 points niya sa second half para sa Philly.

 

May 22 markers si Jamal Murray at 20 pa kay Michael Porter sa Nuggets.

 

Ikinalat ni Embiid ang 16 points niya a third na nagsindi sa 14-0 run para idikit 99-98 kaagahan ng fourth.

 

Siyam na beses nang umiiskor ng 40 o higit pa ngayong season si Embiid pero naisnab bilang starter sa All-Stars.

 

Pinagmulta pa siya ng NBA ng $25,000 bunga ng makulit na selebrasyon sa court matapos makakuha ng basket kontra Brooklyn noong Miyerkoles. (CARD)

Other News
  • PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip

    INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang  P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na  ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.     Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials  na ang investments commitments ay maaaring […]

  • Ayo, Miguel wanted sa IATF

    KAILANGANG mkipagkita na sina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas (UST) Growling  Tigers at Norman Miguel ng National University (NU) Lady Bulldogs o kanilang kinatawan sa Martes, Setyembre 1 sa Inter-Agency Task Force (IATF) o  government panel inquiry team para sa quarantine violation ng kanilang koponan.   Kumalat sa social media ang training […]

  • P73.28 milyong confidential funds ni VP Sara pinasosoli ng COA

    INATASAN ng Commission on Audit (COA) si Vice President Sara Duterte na isoli ang P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential funds na ginasta ng tanggapan nito sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 dahil ang nasabing item ay itinuturing na ‘disallowed fund” sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan.   Ang “COA’s notice […]