• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE

INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.

 

 

Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network.

 

 

Binigyan ni Willie ng bonggang introduction at exposure si John Lloyd na umaming nanginginig at naninibago sa muling paglabas niya sa telebisyon makalipas ng maraming taon.

 

 

Mas naging sentimental nang kantahin ni John Lloyd ang “Yakap,” na pinasikat noong 1979 ng Spanish singer na si Junior, na bumagay ang lyrics sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

 

 

Mainit ang pagsalubong ni Willie kay John Lloyd at ganun na lang ang pasasalamat niya sa host ng Wowowin.

 

 

“This is the first time for more than four years.

“Welcome back on TV! Ngayon ka lang nakita.

“Nakikita ka sa social media pero siyempre, iba ang telebisyon.

“Buong mundo, pinapanood ka.

“Lloydie, ano ang nararamdaman mo?” ang sabi ni Willie kay John Lloyd.

“Nagpapasalamat sa’yo, nandito ako,” sagot ni JL.

“Excited to be back! Kuya Willie, nandito ako dahil sa’yo, thank you, thank you!”

Halatang naging emotional si John Lloyd pero pinigilan niya na mapaluha habang nagsasalita si Willie.

“Pinagdaanan ko din ‘yan,” kuwento ni Willie.

“Maraming tao ang tumulong sa akin pero ang importante, Lloydie, nakausap kita. Nagkausap tayong dalawa, napakaganda ng puso mo, napakaganda ng pagkatao mo.

“Mahal na mahal mo si Elias, mahal na mahal mo iyong anak mo. Nami-miss ka naming lahat.

“Ang galing mo! Fan mo ako, fan mo kaming lahat dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista!

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, lahat ng GMA artists, gusto kang makasama sa isang pelikula.

“Lloydie, iyong sumuporta sa’yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito. Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa’yo ng tao.

“Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam ko dito tayo magtatapos din.

“Welcome back, John Lloyd Cruz!!!”

 

 

Pinakita rin sa nasa audience sina Maja Salvador at ang fiancé and business partner na Rambo Nunez para sa suportahan ang newest talent ng Crown Artist Management at tinatawag ni John Lloyd kanyang new manager na si “Ms. M”.

 

 

Hindi naman nakalimutan ni Willie na banggitin ang plano nila ni John Lloyd na magsama sa isang programa ng GMA-7 na tulad ng mga nasulat na, isa itong sitcom at posibleng makasama nila si Andrea Torres, kung walang magiging aberya sa negosasyon.

 

 

“Abangan n’yo ho, abangan n’yo, magsasama kami ni Lloydie sa pagbibigay ng saya sa inyo, sa primetime show.

“Abangan n’yo dito sa GMA-7!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Iloilo City inilagay sa MECQ simula Sept. 25 hanggang Oct. 9 – IATF

    INANUNSIYO ng Malacañang ang paglagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Iloilo.   Sinabi ni Presidential spokesper- son Harry Roque na magsisimula sa Setyembre 25 o nitong araw ng Biyernes hanggang Oktubre 9 ang MECQ.   Nauna nang ikinokonsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang pagsasailalim sa modified general community quarantine […]

  • Malakanyang, ginagalang ang “fine remarks” ni US President Donald Trump

    GINAGALANG ng Malakanyang ang naging pahayag ni US President Donald Trump sa naging hakbang ng pamahalaan na ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.   Batay sa naging pahayag kasi ng US President, kung yun aniya ang pasiya ng pamahalaang Pilipinas, maraming salamat na lang at makakatipid pa sila ng malaki.   […]

  • 200K pamilya, ga-gradweyt mula sa 4Ps -DSWD

    TINATAYANG umabot na sa 200,000 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang inaabangang magtatapos mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa darating na Setyembre.     “By September, mayroong mga around 200,000 na wala ng eligible children na automatic na mag-eexit sa program,” ayon kay 4Ps National Program Management […]