• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOHN LLOYD, wish ng netizens na i-partner kay JENNYLYN at MARIAN ‘pag naging Kapuso na

MUKHANG wala nang makapipigil pa kay John Lloyd Cruz sa pagiging Kapuso.

 

 

Sa post ng @kapusoprgirl noong Lunes, June 14 nakitang kasama ni John Lloyd ang GMA-7 Films president and programming consultant to the GMA chairman na si Annette Gozon-Valdes.

 

 

Naganap nga ang muling pagkikita at pag-uusap after a week mula nang mag-guest sa tv special ng isang e-shopping platform na ipinalabas sa GMA.

 

 

Wala mang lumabas na detalye, tiyak na napag-usapan ang mga gagawing projects ni Lloydie sa Kapuso Network. Nagkausap sina John Lloyd at Annette bago pa first tv appearance ng aktor kasama si Willie Revillame.

 

 

At isa pala ang GMA executive sa mga naging daan sa pagbabalik telebisyon ng award-winning actor kaya pinasalamatan niya ito sa nakaraang TV special.

 

 

Nag-post din si Annette sa Instagram ng litrato nila ni John Lloyd na may caption na, “At last nagkita na kami. Exciting times ahead! Abangan!”

 

 

Na-excite nga ang Kapuso viewers nang sabihin ni Willie na bibida sila ni Lloydie sa isang primetime show ng GMA, na ayon sa lumabas ay sitcom at makakasama nila ni Andrea Torres.

 

 

Wish naman ng netizens na itambal si Lloydie kay Jennylyn Mercado o kaya kay Marian Rivera. Gusto rin nilang makita ang box-office star na mag-guest sa Magpakailanman dahil nami-miss na raw nilang itong makitang mag-drama.

 

 

Well, abang-abang sa mga susunod pang pasabog ng GMA Network sa pagiging Kapuso ni John Lloyd.

 

 

***

 

NAGING emosyonal si Aiko Melendez habang sinusulat ang kanyang Instagram post na kung saan ibinahagi niya ang pagtatapos ng panganay na anak na si Andre Yllana sa kursong Automobile Mechanic Course sa Don Bosco Technical Institute of Makati.

 

 

Naganap ang graduation ceremony noong Linggo (June 13) ng hapon.

 

 

Post ni Aiko, “You’ve made your mother so happy and I couldn’t be more proud of you!”  @andreyllana after so many trials, dramas…. This is legit #Donboscomakati.”

 

 

Sinundan naman ito ng mahabang post na kung saan ibinahagi niya ang pinagdaanang hirap para mapagtapos ng pag-aaral ang anak.

 

 

Panimula ni Aiko, “As i write this, I can’t help but be emotional. Una kasi di madali ung pinagdaanan ko para mapagtapos ko Anak ko yes on my own. Single mom ako d ba.

 

 

“Not complaining. I remember there were days na I was lacking in terms of financial at that time, Mader Ogie Diaz somehow knows my story. It’s a story of my UPS and DOWNS.

 

 

“Kasi my Son was going through a depression at that time, umabot sa time nag-campus tour kami ng anak ko from Ateneo, Lourdes, Colf pero sabi ko di ko susukuan anak ko igagapang ko yan. Panganay ko yan gagawin ko ang lahat just to make him finish College.

 

 

Sa pagpapatuloy niya, Remember nag-artista s’ya for a time kaso ang dami nangyayari so I spoke to him and he said he will finish school and if Showbizness is still kind and will welcome him babalik sya.

 

 

“Few of my friends know hirap ako tlaga Pops Fernandez,  Carmina Villarroel Legaspi, Gelli Rivera,  Cez Gella,  ‘yan ang me alam ng lahat ng luha ko, hirap.

 

 

“Me oras sunod-sunod tanggap ako ng tanggap ng work para to meet our payables and all.

 

 

Pinaghalong lungkot at saya nga ang naramdaman ni Aiko sa pagtatapos ng anak dahil sa pangarap ng yumaong stepfather.

 

 

I’m Happy and sad kasi Dream ‘yan ng Daddy Dan Castaneda ko ke Andre Yllana to finish school kaso wala na s’ya. So, Dad finally eto na un! Graduate na Apo mo.

 

 

“I know you must be as proud as I am now. To my brother Angelo Castaneda thank you for being the 2nd dad of Andoy. And treating him as if your own. To my sisters Michiko Castaneda Bibit, Erika Akiko Castaneda Jacinto thank you also for encouraging Andre to never give up. Jojon Jacinto salamat for constantly reminding how important education is.

 

 

“And to Marthena Jickain for always lifting your kuya’s morale when he felt the lowest. You are kuya Andre’s sunshine, sabi pa magaling na aktres.

 

 

Sa huli ng kanyang post, pinasalamatan din niya ang boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun ng Zambales at kanyang mahal na ina.

 

 

“Lastly, Jay Khonghun for convincing Andre in pursuing all his dreams, that in every downfall he must rise!

 

 

“Andre sorry emo si mama kasi tlaga lang Proud na Proud ako. You know I just want only the best for you. Di man tayo kumpleto pero binuo mo and ni Marthena ang buhay ko. Love you son ! Cheers! Sensya na mahaba! Masaya lang.

 

 

“Lastly to my mom na mahal na mahal ang apo nya salamat mami Elsie Castaneda if not for you wala ako mabubuting anak.”

 

 

Samantala, balik-showbiz na rin si Andre under Viva Artist Agency at kasama siya sa teleserye ni Julia Barretto na nagsimula na lock-in taping sa Subic.

 

 

Si Aiko naman ay excited na in-announce na bibida siya sa isang episode ng trilogy movie ni Direk Adolf Alix Jr.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Cash assistance, hinahanda na ng DHSUD para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

    HINAHANDA na ngayon ng  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang  financial assistance para sa mga pamilya na nawalan ng kanilang tahanan dahil sa 6.8 magnitude earthquake na tumama sa Mindanao dalawang linggo na ang nakalilipas.     Sa katunayan, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ipinag-utos na niya sa mga […]

  • Pacquiao alangan kay Golovkin

    SOBRANG bigat.   Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat.   Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine […]

  • SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro

    BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang  financial assistance sa kanilang mga  miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.     Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang  Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]