• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jolo town nasa ‘total lockdown’ dahil sa twin blasts – mayor

Iniutos ngayon ng alkalde ng bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu ang pagsasailalim sa kanilang lugar sa total lockdown.

 

Ang hakbang ni Mayor Kerkhar Tan ay matapos ang magkasunod na madugong pambobomba sa downtown area na ikinamatay ng 13 katao kasama na ang suicide bomber.

 

Liban nito, halos 80 na ang mga sugatan kung saan 18 sa mga ito ay mga sundalo.

 

Batay sa direktiba ng mayor, pansamantala munang isasara sa mga residente ang mga entry at exits points o walang papayagang makalabas at makakapasok sa kanilang bayan.

 

Ito ay liban lamang kung may mga sapat na dahilan o special cases.

 

Binigyang diin pa ni Mayor Tan, hindi nila aalisin ang total lockdown hangga’t hindi matatapos ang imbestigasyon.

 

“Cancellation of entry and exit to and from Jolo shall be strictly enforced except on some special cases. Lockdown will be lifted until the investigation is finished,” ani Mayor Tan sa kanyang advisory. (Ara Romero)

Other News
  • PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

    NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).     Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa […]

  • Health expert, nagbabala ng COVID-19 ‘surge’ matapos ang May 9 polls

    MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls o sa mga susunod na ilang buwan.     Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mga […]

  • Panukalang nagbabawal sa ‘no permit, no exam’ bill, ipasa agad

    UMAPELA ang isang mambabatas sa kamara na bigyang prayoridad ang pagpasa sa panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy sa mga educational institutions.     Ayon kay Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar, batay sa lumabas na mga social media posts kung saan may ilang mga estudyante ang kailangang pumila hanggang hatinggabi […]