Joshua, umaming walang lovelife after Julia dahil sa iba naka-focus
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
ISA ang adobo sa specialty na itinuro kay Joshua Garcia ng tatay niyang magaling magluto na itinuro rin sa kanya ng nanay niya, bale lola ng aktor.
Natikman kaya ni Julia Barretto ang lutong adobo ng ex-boyfriend niyang si Joshua noong magkarelasyon pa sila?
Sa latest vlog ni Erich Gonzales nang i-upload ilang oras pa lang ay almost 138k views na agad ang pagdalaw niya kay Josh.
Sa simula ay ipinakita ang lahat ng ingredients sa lulutuing chicken adobo ni Josh at may nalaman din kaming sikreto ng aktor kaya ipinagmamalaki niyang masarap ito, hmm magaya nga.
At habang niluluto ang adobo ay tinanong ni Erich ang binata kung kumusta ang puso nito ngayon na ikinatawa nito dahil unang tanong kaagad ay lovelife sabay sabi ng aktres na, ‘walang buckle-buckle at edit-edit to bro.”
Sagot ng binata, “wala hindi ko muna pino-focus ngayon. Mas focus ako sa sarili ko. Actually, I started studying, nag-enrol ako recently lang. Plano kong kunin business entrepreneurship sayang ‘yung time na wala kang ginagawa, eh.
“E di ba ang new normal ng artista lock in ng one month so habang walang ginagawa (mag- aral), pero nagpe-prepare pa rin naman ako para ro’n sa gagawin kong pelikula, e, kailangan medyo lean ang katawan ko.”
Hindi pa binanggit ni Joshua kung sinu-sino ang mga makakasama niya sa pelikula dahil nababago pa ang cast, basta’t abangan na lang daw.
Hirit naman ni Erich, “I’m sure aabangan ka nila, hello Joshua Garcia napakagaling na artista, mahusay na aktor. (Hayan) panay ang build up ko (tawa naman ng tawa ang aktor.)
Napag-usapan nila ang destiny at parehong naniniwala sina Josh at Erich na may tamang taong nakalaan para sa kanila.
Ano nga ba ang hinahanap ni Joshua sa babae, “gusto ko matatanggap ako ng buong-buo, simple lang ako sa buhay, puwede akong tumira sa probinsya, puwede akong tumira sa Maynila. Actually, nag-iiba ang trip kong babae habang tumatagal dahil ikaw mismo ay nagma-mature ka pero mas gusto ko ‘yung mas mature sa akin at mahilig magbasa ng libro para natuturuan ka rin. Para naman akong baby no’n?
“Ang ikalawa, marunong sa gawaing bahay, marunong magluto, may takot sa Diyos, family oriented.”
Magdiriwang na ng kanyang kaarawan si Joshua sa Oktubre 7 at walang planong mag party ang aktor dahil nakalakihan na niyang hindi nagpa-party at minsan lang itong nangyari na handog ng fans niya na ginanap sa isang food chain na ini- endorse niya.
Ang wishes ng binata, “una sana maging okay na lahat para makabalik na sa trabaho tayong lahat. Pangalawa, sana maging healthy ang family ko hanggang sa matapos lahat ng ito at ma-achieve ko ‘yung goals ko, like makatapos ng pag-aaral, magkapagtayo ng sariling business. Sa showbiz naman, sana lahat ng mga ginagawa ko sana mag-leave ng mark.”
Sabay hirit ng binata na ang unang napanood niyang teleserye ni Erich, “Katorse, bata pa ako, siguro mga grade 4 o 5 ako. Gusto kita do’n, galing!”
“Napakatagal na no’n Joshy, matanda na talaga ako,” nakangiting sabi ng aktres. “Maganda kuwento ni Nene (karakter niya sa serye).”
At dahil mahilig mag-travel si Joshua ay sinabi niyang gusto niyang bumalik sa Barcelona, Spain na hindi related sa work kundi pasyal lang. Unang tapak ng aktor sa nasabing bansa ay noong gawin nila ang pelikulang Barcelona: A Love Untold noong 2016 na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na idinirek ni Olive ‘Inang’Lamasan mula sa Star Cinema.
“Gusto kong pumuntang mag- isa lang, before nag-travel akong mag-isa pero Bali (Indonesia) lang,” sambit ng binata.
Bukod sa adobo ay marunong ding magluto si Joshua ng, “iba’t ibang klase ng pasta tulad ng spa- ghetti at carbonara. Marunong din ako ng chicken, beef steak, saka steak din.”
At finally kumulo na ang adobo pagkalipas ng 12 minutes at sinabi ni Erich, “napansin nyo guys, hindi siya naglagay ng tubig. May na- miss ka bang lutuan?”
Napangiti muna ang binata, “wala naman.”
Ang realization ng aktor ngayong 2020, “marami pero more on sa sarili ko like ‘yung pagba-vlog dapat matagal ko ng ginawa kasi ang daming nangyaring magagandang events sa buhay ko simula nu’ng nag-artista ako n asana na-share ko sa mga tao.
“At ngayong pandemic, na-realize ko ‘yung maliliit na bagay, ‘yung simpleng pagbabasa ng libro before hindi ko ginagawa, parang more on myself lang talaga. Dati kasi project-project lang ginagawa ko, hindi ko namamalayan ‘yung mga taong nasa paligid ko, nawawalan ako ng time sa kanila, sa sarili ko.”
Finally, luto na ang adobo at tinikman ni Erich, “in fairness isang tikim lang, ako tikim ng tikim sa luto ko. Puwedeng dagdagan mo ng paminta? Gusto ko kasi maanghang, mahilig ako sa paminta.”
Anyway, natanong ng aktres kung may regrets si Joshua sa buhay sa edad nitong 22, “wala kasi feeling ko part ng buhay ko ang lahat ng pinagdaanan ko, part ng jour- ney ko kung ano ang pupuntahan ko,” sagot ng aktor.
At ang gustong itama ni Joshua sa buhay niya, “ang pagko-computer ko, ang dami kong nasayang na oras sa pagko-computer ko. Inaabot ako ng 2 days naglalaro lang as in araw-araw, very unproductive! ‘Yung mga time na ‘yun sana nagbasa ako ng libro o nagpunta ako sa gym. Hindi ko na- balance ‘yung oras ko. Ang biggest learning ko ngayon 2020, dapat may bago ka laging natututunan para hindi ka maliitin ng iba kaya dapat nag-aaral ka.” (REGGEE BONOAN)
-
VINTAGE BOMB, NAHUKAY
ISANG vintage bomb ang nahukay sa isang construction site sa Sta.Cruz, Maynila. Ayon sa Sta Cruz Police Station (PS-3), naghuhukay ang MGS Construction Inc sa bahagi ng Laon Laan Street corner Mendoza Street, Sta. Cruz, Manila nang madiskubre ang isang malaking bakal. Agad itong inireport sa pulisya kung saan napag-alaman na isa itong 155mm Artillery […]
-
Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan. “Alam mo, it is high time that government consider na we […]
-
8 DAYUHANG KUMPANYA, INTERESADO MAMUHUNAN NG BAKUNA
INTERESADO ang walong dayuhang kumpanya na makapagtayo ng pasilidad sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas. Sinabi ni DOST Usec Rowena Guevarra sa isang press briefing na ito ay mula sa anim na nauna nang nagpaabot ng interes. Ang nasabing mga kumpanya ay hindi natukoy ni Guevarra ngunit ang isa ay galing […]