JUDY ANN, bagay na gumanap na bida sa ‘Doctor Foster’ at si JULIA naman ang ‘other woman’
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
MAINGAY na agad ang adaptation na gagawin ng ABS-CBN mula nang ianunsiyo nila na nakuha nila ang rights ng Doctor Foster na orihinal sa British Television at na-adapt na ng ibang bansa.
Ang pinakahuli na nag-adapt nito ay ang South Korea at puwede rin sigurong sabihing isa sa pinaka-successful adaptation noong 2020 at pinagbidahan ng South Korean actress na si Kim Hee-ae, kanya-kanya na rin ng suggestion ang netizens sa kung sino ang Kapamilya actress na gusto nilang gumanap.
Kilala sa bansa ang Doctor Foster na The World of the Married na ipinalabas sa VIU at Netflix. Ang actress na gumanap nito ay nanalo ng Best Actress award at Deasang award.
Mga pangalan nina Judy Ann Santos, Angel Aquino, Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban ang ilan sa nababasa naming bet ng netizen na gumanap.
Personally, nakikita namin si Judy Ann sa role ng bidang doctor na pinagtaksilan ng asawa, pero at the same time, sa process ng paghihiganti niya ay may nagawa rin na pinagsisihan nito.
Bold, daring ang role so tingin din namin, baka ito ang maging struggle, if not only sa pandemic at ayaw munang tumanggap ng serye ni Juday.
Kung hindi pwede si Juday, sa pagiging daring, pwede sina Jodi at Angelica. Pero again, babalik kami sa perfect choice sana rito si Juday.
At tulad ng wish ng netizens, kahit na kahawig ni Kylie Padilla ang gumanap na actress sa Korean adaptation, hands down, si Julia Barretto ang nag-iisa at bagay na bagay talaga sa role ng kabit.
Sina Judy Ann at Julia ay perfect sana para sa dalawang female lead. But since tingin namin, mahihirapang tanggapin ni Juday, pinaka-bonggang cast talaga at kung papayag na magsama, aba, Bea Alonzo at Julia Barretto!
***
NAPAPA-’sana all’ na lang ang netizens, lalo na ang mga K-Pop fans dahil sa pagmamahal pa rin talaga ng K-Pop Idol at kilala sa Pilipinas bilang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park sa mga kasama niya dati noong Star Magic artist pa siya.
Alam na, lalo na ng mga tagahanga ni Sandara all-over the world kung ano na ang mga nagawa, naibigay at pagpapahalaga talaga niya sa kanyang mga dating handlers sa Star Magic.
Kabilang na nga rito sina Ana Yambao at ate Eleina Rodriguez o mas kilala, lalo na ng mga international fans bilang si “Lola.”
Ito kasi ang tawag ni Sandara kay Ate Eleina. At nang malaman ni Sandara na ang dating walang kaalam-alam at kahilig-hilig sa anything K-entertainment ay biglang naging fan ng boy group na Super Junior lalo na ang miyembro nito na si Choi Siwon, hayun, nang makasama sila ni Sandara sa isang show, hiningan niya ng video greetings ang buong Super Junior para bumati ng Happy Birthday kay Lola.
Ang siste, November last year pa ito ginawa ni Sandara. Nang magkasama nga sila sa docu-show na Archive kunsaan, tungkol sa evolution ng K-pop.
Para hindi ma-pre-empt ang show, itinago lang ni Sandara ang video at kailan lang inilabas at ipinost sa kanyang Instagram account.
Siyempre, tuwang-tuwa si Lola. Pero, magkahalong tuwa at inggit din ang nararamdaman ng ibang fans.
Nakausap namin si Ate Eleina at sabi nga niya, kung hindi raw dahil sa pandemic, usually ay nagse-celebrate sila ng birthday ng sabay sa Pilipinas. November 8 daw kasi siya at November 12 naman si Sandara.
At sigurado, kung walang pandemic, naka-ilang balik na sana muli sa bansa si Sandara na talagang second home at mahal niyang talaga ang Pilipinas.
-
US, Pinas, tinalakay ang ‘destabilizing activities’ sa pinagtatalunang katubigan
NAGDAOS ng pag-uusap ang Maynila at Washington hinggil sa konkretong aksyon para tugunan ang “destabilizing activities” sa Philippine waters. “We discussed concrete actions to address destabilizing activities in the waters surrounding the Philippines including the West Philippine Sea,” ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III. “And we remain committed to […]
-
Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount
IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril. Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]
-
OPS, nakiisa sa tree planting sa Ipo Watershed sa Bulacan
NAKIISA at nagpartisipa ang mga tauhan ng Office of the Press Secretary (OPS) sa taunang tree-planting program na inorganisa ng water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. (Maynilad). Sa Facebook post, ibinahagi ng OPS ang ilang larawan na kuha sa tree-planting activity noong Oktubre 28 sa Ipo Watershed sa Norzagaray, Bulacan. […]