Juico, Cruz suspendido vs MPBL game fixing
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ang dalawang manlalaro ng Pampanga Giant Lanterns na sina Michael Juico at Mark Cruz matapos madawit sa alegasyong game-fixing kontra San Juan Knights sa North Division finals.
Sa nilabas na memo ng pamunuan ng MPBL na pirmado ni Commissioner Kenneth Duremdes ay hinirit sa NBI na imbestigahan ang kaso ng dalawa na nasangkot sa bentahan umano ng laro sa North semifinals series game.
“The league has requested the assistance of the National Bureau of Investigation (NBI) to investigate on suspected game fixing activities and other related scheming activities performed by your players MICHAEL JUICO and MARK CRUZ during the semifinals series game [against the] San Juan team,” saad sa statement ni Duremdes.
Kasabay nito ay tiniyak din ng MPBL na wala silang papanigan bagkus ay hahayaan nilang gumulong ang kaso at maimbestigahan ang dalawang player na sinasabing sangkot sa anomalya.
“MPBL suspends MICHAEL JUICO and MARK CRUZ in order to give way to a thorough investigation on this matter. You are therefore requested to advise your players to cooperate in this investigation. MPBL will not hesitate to pursue criminal charges against any person found to have participated in game fixing and other scheming activities that have affected the results of the games,” ayon pa sa statement.
Nauna rito’y nadawit na rin sa kontrobersya ang ilang MPBL player, partikular na ang SOCCSKSARGEN Marlins team, nang maakusahang sangkot sa game-fixing.
-
LIFE HACK 101: ANG PINAKAMALUPIT NA SIKRETO UPANG IKAW AY YUMAMAN AT UMUNLAD SA BUHAY, ISA-ISAHIN!
Alam ba ninyo na anumang simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay nagdidikta ng uri ng kapalaran at pamumuhay na magkakaroon tayo? Ang simpleng pagliligpit lamang ng higaan sa umaga ay magsasabi na kung ikaw ay magiging matagumpay sa buhay. Oo. Dito mo masasabi kung ikaw ay nakatadhanang umasenso o hindi. Ang pagliligpit […]
-
5 araw bago Holy Week: Simbahan, may paalala sa mga deboto sa gitna pa rin ng pandemya
PINAG-INGAT ng simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay nang pag-aayuno sa nalalapit na Holy Week. Ayon kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay sinasabi na ng Simbahan sa mga […]
-
Halos 10K pasaway sa GCQ nasakote sa Navotas
UMAABOT na sa 9,714 ang mga dinampot na mga lumabag sa mga patakaran ng General Community Quarantine (GCQ) ayon sa Navotas City Police. Bumida sa mga pasaway ang 5,269 dinampot dahil sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask at 3,503 lumabag sa curfew hours. 512 naman ang mga hindi sumunod […]