Kahit may namba-bash at nauumay na: MARIAN, tuloy lang sa paggawa ng dance videos na may million views
- Published on September 12, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL sa bonggang-bongga na reaksyon ng netizens, tinuloy-tuloy na ni Kapuso Primetime Queen Marian ang paggawa ng dance videos sa TikTok.
Ang una niyang dance video na kung saan sinayaw niyang 2011 hit song ni Jessie J. na “Price Tag” ay nakakuha ng milyung-milyong views. Nasundan pa ito ng tatlong dance videos, kaya umabot na ng billions views,
Dahil dito, may latest upload si Marian para sa bagong dance challenge na kung saan ilang oras pa lang dahil nakukuha na agad ng million views. This time, naka-bonggang OOTD na ang aktres, at hindi naka-shirt at naka-cap, na kung saan umani ng iba’t-ibang reaction mula sa netizens…
“Nag million views lang ang mga dance saga hindi na inampatan gulatin mo na lang ulit kami sa 2024!”
“Yung first dance vid ok pa, after that cringey na.”
“Sayang naman ang outfit at make up, sayaw muna.”
“Maganda sya…pero umay na sa TikTok kineme nya
“Yes Hindi nakaka entertain.”
“Nakakasayaw lang pero kailangan pang pakuluan more para lumambot :)”
“Last mo na yan ha.”
“Yung galaw ng katawan nya pare-pareho lang kaya nakakaumay.”
“She needs a choreographer. Pare-pareho na lang ang itsura ng dance steps.”
“Pare pareho lang. wala sa timing pati expression ng mukha sablay. just dance marimar for sure sakto na yan.”
“Marian is so beautiful but this just straight up cringeeeeee.”
“Maganda ang styling nya dito pero this dance is waley.”
Say naman ng mga tagapagtanggol ni Marian, na natutuwa pa rin…
“Galeng. Kung ganyan naman talaga kaganda at ka-sexy hindi mapipigilan mo panoorin.”
“Sige lang Marian, kung Saan ka masaya at kumikita.”
“Pwede naman hindi nyo panoorin kung masyado ng cringey sa inyo. Di naman kayo ang target nyang audience. Dami nyong hanash!
“Sana next yung trending dance na Gento or yung Fantasize by Ariana.”
“Porke ba di na swak sa panlasa nyo titigil na sya? So kayo lang ba dapat ang ipi please nya?”
“Billion na views nya kasi e why stop now.”
“1st post, masaya pa mga tao sa yo. 2nd post, mahina na palakpak. 3rd post onwards lalabas na insecurities nila. Lalaitin ka na nila. Yan ang ginawa ng social media sa mga tao ngayon.”
“Same people na pumuri sa yo sa 1st post, same peeps na lalait sa yo sa next posts mo. Toxic Pinoys!”
“Calm Down naman ang next na sayawin mo Marian. Pang-inis lang sa mga taong naiinis na sa mga pagsayaw sayaw mo. LOL!”
“Sige lang Marian sayaw pa, as long na enjoy mo, para ang mga basher maumay at maumay sa kaka-bash sa iyo.”
“Daming nagre-request ehh, ano ba kayo, ingit lang ? kaya sayaw sa TikTok viral at millions views, tawa din kayo ahhh, good vibes lang tayo.”
“I love these kinds of Tik Thot dances. Very entertaining.”
Samantala, malapit nang mapanood si Marian sa kanyang primetime comeback sa newest series ng GMA-7, na may working title na ‘Against All Odds’ na kung saan matutuloy na ang naunsyaming pagtatambal nila ni Gabby Concepcion.
Tuloy-tuloy din ang pagdating ng endorsements ng mommy nina Zia at Sixto. At ngayong Sabado, September 16, 2023, abangan si Marian sa launch ng Solmux Advance Suspension, na “Jam: Ubo Free Ganap Ready!”, 4:00 pm sa SM North Edsa’s The Block Activity Center ng SM North Edsa.
Makakasama ng Solmux Advance’s brand ambassador sina Mikey Bustos at Dr. Kilimanguru.
Kitakits!
(ROHN ROMULO)
-
DOTr: Walang nangtaas-pasahe ngayon 2022
TINIYAK noong Lunes ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang matapos ang 2022. Ayon kay transport Secretary Jaime Bautista hulina ang inaprubahang taas-pasahe sa marmaming public utility vehicle (PUVs) noong Setyembre. “This coming holiday season, we make it sure that there will be no […]
-
PDu30, inaasahan na magdedesisyon sa Abril ukol sa quarantine restriction
INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya […]
-
Bolick, Fernandez mayroong iringan
HINDI naging maayos ang samahan nina Evan Nelle at San Beda University men’s basketball coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III Taliwas ito kay ex-Red Lion at ngayo’y Philippine Basketball Association (PBA) star Robert Lee Bolick Jr. at sa Beda bench tactician din. Siniwalat nang kasalukuyang naglalaro na sa Terrafirma Dyip, na naging mabuti ang […]