Kahit may petisyon na mag-resign na sa MTRCB: Chair LALA, cool lang sa isyu at suportado ng 31 board members
- Published on September 8, 2023
- by @peoplesbalita
AYON sa aming reliable source, suportado ng 31 board members ng MTRCB (Movie, Television, Review & Classification Board) ang Chairwoman ng MTRCB na si Lala Sotto.
Hindi maitatanggi na siya ang sentro ng galit at sumpa pa mga netizens, partikular na ang mga Kapamilya at avid viewers ng ‘It’s Showtime.’
Ang totoo raw pala, ang 31 members ang talagang unanimous ang boto o desisyon ng pagpataw ng 12 airing days suspension sa noontime show. Hindi lang daw kasi itong ‘icing incident’ ang case, mahigit sampu pa raw yata sa mga nakaraan.
Base pa rin sa source namin, sa lahat ng ito, cool lang si Chairwoman Lala na sanay na rin sa mga batikos sa kanya at sa mga taong negatibo ang mga naibabatong comments. Pinanganak at lumaki ba naman sa pulitika at showbiz.
Ang bago nga lang ngayon, maging ang Department of Broadcast Communication ng U.P. Diliman ay may petisyon na mag-resign na si Lala bilang chairwoman ng MTRCB.
***
HINDI nagpo-post si Jillian Ward, pero may pakiramdam kami na masayang-masaya ito dahil sa isa na rin siya sa mga artistang may sarili ng title.
As in, sa panahon ngayon na magugulat ka na lang talaga sa mga nagsusulputang title ng mga artista na as we all know, may ‘Asia’s Limitless Star’, ‘Multimedia Star’, ‘Breakout Star’, ‘Global Endorser’, at kung ano-ano pa, heto naman ngayon ang bago—‘Star of the New Gen.’
Si Jiliian Ward na nga raw ang may hawak ng titulong ‘Star of the New Gen’ na maaaring bininyag dito ng kanyang Sparkle family.
Pwede rin naman dahil halos lahat ng teleserye na pinagbibidahan niya ay top-rater. At ang ‘Abot Kamay na Pangarap’ ay umabot na ng isang taon sa telebisyon at nananatiling top-rater sa panghapong programa.
Fourteen years na rin sa showbiz si Jillian simula noon child star siya. At ngayon nga, hindi lang sa telebisyon, kahit daw kasi sa social media, proven ang lakas at following nito sa lahat ng kanyang social media accounts.
(ROSE GARCIA)
-
Lolo isinelda sa pangmomolestiya sa dalaginding sa Valenzuela
HIMAS-REHAS ang 82-anyos na biyudo matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 13-anyos na batang babae na miyembro ng pamilyang nag-alaga at nagpapakain sa kanya sa Valenzuela City. Agad iniutos ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang pagsasampa ng kasong rape through sexual assault na may […]
-
Senado, dinagdagan ang pondo para sa 82 State Universities and Colleges para sa 2025
Tinanggap ng Senado ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na maglaan ng P3.058 bilyon para sa 82 State Universities and Colleges (SUCs) sa susunod na taon. Ito’y upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng pagpapatupad ng free higher education. Tinanggap ang naturang panukala ni Gatchalian sa inaprubahang bersyon ng General Appropriations […]
-
‘Walang regrets, pero kulang kami at palaging may injuries’ – Durant
LABIS ang panghihinayang ng Brooklyn Nets matapos na tuluyang matanggal na sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs makaraang ma-sweep sila ng Boston Celtics, 4-0. Ayon kay NBA superstar Kevin Durant, kung healthy lang daw sana ang kanilang team ay mas maganda ang kanilang kampanya. Hindi rin napigilan ni Durant […]