Kahit more than a year pa lang ang relasyon: CARLO, ‘di na pinatagal kaya pinakasalan na si CHARLIE
- Published on June 11, 2024
- by @peoplesbalita
TAMA ang kumalat na balita noong Sabado, na may celebrity couple na ikakasal kinabukasan, araw ng Linggo.
Sa Metrogate Silang Estates sa Cavite nga ginanap ang kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino.
Ilan sa mga ninong at ninang na kinuha ng dalawa ay mga big bosses ng ABS-CBN tulad ni Direk Lauren Dyogi, Carlo Katigbak, Cory Vidares, Direk Olivia Lamasan at si Charo Santos-Concio.
Kasama rin sa principal sponsors Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Sylvia Sanchez, at ang mag-asawang sina Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Cong. Lani Mercado-Revilla.
Kabilang din sa mga nina ng bagong kasal ang CEO at founder ng Beautederm nRei Ta si Rhea Tan, kung saan isa sa mga endorsers si Carlo.
Ten years pala ang agwat ng edad nina Carlo (38) at Charlie (28), na kahit marami ang nagulat sa biglaan nilang pagpapakasal.
Lalo pa nga’t higit isang taon pa lang ang kanilang relasyon, na ni-reveal nila last year na January 2023 pa naging sila.
Pero nasa tama na silang edad para magsimula ng sariling pamilya, lalo na są part ni Carlo, na siguradong-sigurado na sa kanyang naging desisyon.
Noong Sabado, June 8, may romantic post si Carlo para kay Charlie kung saan holding hands sila sa photo.
Na haka-haka ng netizens na prenup photo ang pinost ng sa kanyang Instagram account na may caption na, “Unti-unti nating gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_.”
Nag-reply naman si Charlie ng, “I love you.” (with teary-eyed and red heart emojis)
Sabado rin ng manalong Best Actress si Charlie sa 47th Gawad Urian para sa pelikulang ‘Third World Romance’.
Kaya inamin ng award-winning actress na best gift na natanggap niya ang pagkapanalo na hinandog niya kay Carlo na kanyang pinakasalan kinabukasan.
Kahapon, Lunes, marami na ngang nagsipaglabasan na mga photos na kuha sa intimate wedding at dumagsa rin ang mga pagbati.
Sa FB post nang isa sa mga ninang na si Sylvia, kasama ng mga photos na kuha sa kasal, “It has been such a pleasure witnessing and being with @jose_liwanag throughout all his phases in life — from our first ever stage play in 1994 to now being by his side as he enters a new chapter of his life with @charliedizon_. My family and I will always be here for the two of you! Congratulations, inaanaks!
Love you both #kaloikohanniapril #nacarlosotkayaprilCongratulations, Carlo at Charlie!”
Post ni Ms. Rhea, na isa sa pinakaraming photos na ishinare, sinimulan niya ito ng pasasalamat… “@jose_liwanag @charliedizon_ Thank you for inviting me as your Ninang Rhea.”
Pagpapatuloy ng kanyang mensahe, “I first met Carlo in (2013). Much has changed over the years. Pero ang hindi nagbago ay ang katauhan mo. You still have that fun, positive energy and that humble heart. You make everyone smile with your charm. Mabuti kang tao and I am very happy seeing you now with the woman of your life, si Charlie.
“Charlie, you know that I love you. Both of you. You are a beautiful woman. Carlo made the best decision to marry you. Remember that Ninang is one call away. Just call me if you need anything.
“Carlo and Charlie, your new chapter has begun. Congratulations to you both for finding your life partners on this happy day. May you build a beautéful life together. Love you both!”
(ROHN ROMULO)
-
Ads August 28, 2024
-
SHARON, nagpaliwanag kung bakit kailangang i-post ang pagsakay sa private plane at chopper para dalawin si FRANKIE
PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video habang nasa private plane sila papuntang New York para sa bisitahin ang kanyang daughter na si Frankie Pangalinan. Caption niya, “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!! “Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because […]
-
Pagbakuna sa 60-M Pinoy, aabutin ng hanggang 5 taon – Galvez
Inamin ng gobyerno na aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa target na 60 milyong Pilipino. Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa 20 million hanggang 30 million katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon. […]