Kahit wala pang sinasabi ang management ng ABS-CBN: Action serye ni COCO, balitang tatapusin na at papalitan ng ‘Darna’ ni JANE
- Published on May 21, 2022
- by @peoplesbalita
MULING nagwagi sa isang festival ang bagong movie ni Direk Louie Ignacio titled Broken Blooms mula sa Bentria Productions.
Wagi ito as Best Narrative Feature sa Mokkho International Film Festival 2022 sa India.
Kamakailan lamang ay nagwagi ito ng Gold Remi Award at the Houston International Film Festival and Recognition from the Oporto International Film Festival in Portugal.
Winner din ng actors nito na sina Jeric Gonzales at Teri Malvar. Win si Jeric ng Critic’s Choice for Best Actor. Win din si Teri ng Critic’s Choice for Best Actress.
Sa ngayon ay competing ang Broken Blooms sa annual Harlem International Film Festival 2022.
Ayon kay Direk Louie, ipalalabas muna nila sa iba’t-ibang festivals ang pelikula bago ang release sa Pilipinas.
***
NAIPASA na ang bato. Abangan ang kanyang paglipad soon.
Yan ang sabi sa teaser ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.
Malapit na kasi ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TV5 ang action series under the direction of the great Chito S. Rono.
Kasama rin sa cast ng Darna sina Iza Calzado (the first Darna), Joshua Garcia at Janella Salvador.
Matagal na ang Darna project na ito na nung unang plinano ay si Angel Locsin dapat ang gaganap. Then it was announced na it will be given to Liza Soberano until the role was finally given to Jane.
Ito ang biggest break ni Jane dahil bida na siya and to be given the iconic role of Darna is a privileged.
Pero totoo ba na tatapusin na ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil ang Darna diumano ang papalit sa time slot ng longest-running action serye ng Kapamilya Channel?
Ayon sa isang kaibigan sa ABS-CBN na ayaw magpabanggit ng pangalan, wala pa raw sinasabi ang management kung magtatapos na action serye ni Coco. Wala rin sinasabi ang management kung Darna nga ang siyang papalit sa time slot ng FPJ’s Ang Probinsyano.
(RICKY CALDERON)
-
Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo. Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito. Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]
-
SC kinatigan ang MMDA’s number coding scheme
Inayunan ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mga hakbang na makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila tulad ng number coding scheme. Sa isang 28-pahina na desisyon na pinagbutohan ng lahat ng mahistrado ng SC, kanilang binasura ang petition para sa paghinto ng […]
-
‘Wala pa ring malinaw na plano ang pamahalaan vs COVID-19; puro lang quarantine’ – HPAAC
Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa. “HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have […]