• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF

SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager.

 

Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group.

 

Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno para matustusan ang 20 billion peso budget na halagang kakailanganin para sa mga menor de edad.

 

“”Yeah, we estimate that will cost another 20 billion pesos but we have enough reserves to cover that amount of money. So we have enough. Tamang-tama, sapat po ‘yong ano, ‘yong pera natin para sa vaccination. So we don’t have to worry. The money is there and we will certainly be able to vaccinate the entire adult population plus the teenagers who are I think around 15 million, right? Around 15 million Filipinos. So total 85 million Filipinos,” lahad nito.

 

Kaya nga aniya, walang dapat na ipag- alala dahil naririyan aniya ang pera na magagamit sa lahat ng mga Pilipinong kailangang mabakunahanan.

 

Sinasabing, 12 to 15 ang age group ng Pfizer na kaya nitong bakunahan habang ang Sinovac naman ay nasa 12 to 17. (Daris Jose)

Other News
  • POLO, kitang-kita ang excitement sa mga mata ang pagiging isang ama kay Baby YATRICK PAUL

    KAHIT puyat, makikita pa rin ang excitement sa mga mata ni Polo Ravales ang pagiging isang ama sa kanyang baby boy na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg.      Nag-share sa social media si Polo ng first family photo nila ng kanyang fiancee na si Paulyn at ng kanilang baby boy na isinilang noong nakaraang […]

  • Ads April 7, 2021

  • TUGADE: AYUDA SA MGA TSUPER, ISINUSULONG NG DOTR, LTFRB

    Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.   Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang […]