• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kakaiba talaga ang kasikatan nila: ‘Team FiLay’ nina DAVID at BARBIE, na-feature sa famous rice paddy art

NAIIBA na popularity ng ‘Team FiLay’ nina David Licauco at Barbie Forteza kahit matagal-tagal na ring natapos ang “Maria Clara at Ibarra,” nang i-feature ang mga mukha nina Pambansang Ginoo at Kapuso Primetime Princess sa famous rice paddy art ng rice farm ng Philippine Rice Research Institute.

 

 

Kahit si Barbie ay nag-text dahil nag-trending ito sa Twitter, may 81 Quotes, 4988 likes and 20 Bookmarks at tumataas pa.

 

 

Naging very successful din ang movie video na ginawa ng dalawa na “The Way You Look at Me” under Universal Records, at sinundan pa ito ng paglabas ng first billboard nila together ng ini-endorse nilang Ishin products na makikita na ngayon along EDSA Cloverleaf at sa NLEX.

 

 

Balita ring muling nag-restock ang mga products na ini-endorse nila.

 

 

***

 

 

PAPASUKIN na rin ba ng two-time Winter Olympian at Philippines’ first ever figure skating champion na si Michael Martinez, ang showbiz?

 

 

Na-interview kasi si Michael during the taping of GMA Primetime series na “Hearts On Ice,” na pinagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega, at may special guest appearance siya.

 

 

Inamin ni Michael na hindi niya na-imagine na magpe-perform siya sa isang serye at ang makakatrabaho niya ay mga artista.

 

 

“Hindi ko po na-imagine na pipiliin ako to perform and to show my tricks, not only that, to work with them, and I’m really happy na napili ako to do it.  It is something definitely something very new to me,” sagot ni Michael.

 

 

Sa tanong kung may balak ba siyang pasukin ang mundo ng showbiz: “Actually, this time, yes po, pwede naman po.”

 

 

Ilang eksena na pala ang natapos ni Michael na ipinakita niya ang iba’t ibang figure skating moves, na ang kasama niya ay sina Ashley, Xian at isa pang figure-skater, si Roxie Smith.

 

 

Please don’t miss watching “Hearts On Ice,” gabi-gabi,  dahil very soon ay mapapanood na si Michael sa kanyang special appearance sa serye.

 

 

***

 

 

NAGKAROON agkaroon muna ng “Grand Kasalan Premiere” ang “Here Comes the Groom” sa Cinema 1 ng SM Megamall, bago ginanap ang media conference na dinaluhan ng buong cast ng movie na dinirek ni Chris Martinez.

 

 

Sequel ito ng hit movie noon na “Here Comes the Bride” na nagtampok kina Angelica Panganiban, Eugene Domingo, John Lapus, Tuesday Vargas at Jaime Fabregas.

 

 

Based sa tawanan ng audience ay mas nakakatawa ang “Here Comes The Groom” na ginampanan ngayon nina Enchong Dee, Keempee de Leon, Maris Racal, Awra Briguela, Gladys Reyes and Eugene Domingo, with the special participation of Miles Ocampo and Tony Labrusca, with Nico Antonio, Iyah Mina, Fino Herrera and Kuya Kim Atienza.  Introducing naman sina Xilhouete at Kaladkaren.

 

 

Ayon kina Enchong at Miles, hindi nila natanggihan ang offer ng producer nila sa Quantum Films na si Atty. Joji Alonso, dahil first time pa lamamg nilang gagampanan ang ganoong role. Isa pa ay naninibago muli si Atty. Joji sa pagpu-produce dahil matagal na siyang huminto.

 

 

Co-producer niya ang CineKo Productions at Brighlight Productions.  Ang movie ang entry nila sa first Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8 at magtatapos sa April 18, 2023 in cinemas nationwide.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections

    HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.   Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections.   […]

  • Price rollback, posible sa susunod na linggo-Cusi

    MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng price rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.     Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bunga di umano ng mga pinakabagong pangyayari sa Ukraine, Russia, at China.     Sinabi ni Cusi na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kung patuloy din na bababa […]

  • Gilas Pilipinas mamanduhan ni Uichico

    Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Jong Uichico upang maging head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.   Inihayag kahapon ni SBP president Al Panlilio ang anunsiyo kung saan makakasama ni Uichico sa c­oaching staff sina assistant […]