Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa
- Published on April 15, 2023
- by @peoplesbalita
KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.
Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa buong bansa ang nakakapagparehistro pa lamang ng kanilang mga SIM card noong Abril 11, 2023.
Ayon sa ilang eksperto, dahil dito ay kinakailangan ng hand-holing partikular na sa mga customers na nasa mga probinsya dahil nandoon aniya ang mga lugar na may mababang bilang ng registration.
Kaugnay nito ay sinabi naman ng Department of Information and Communications Technology na pinag-aaralan na nito kasama ang National Telecommunications Commission ang posibilidad ng pagpapalawig pa sa deadline ng SIM registration act.
-
Limited face to face classes aprubado na ni PDU30
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot face to face classes. Sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DEPED secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face to face classess. Limitado lamang muna ito sa 100 paaralan. Base sa guidelines , maisasagawa lamang […]
-
‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’
WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo. Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin […]
-
SOLO PARENTS SA NAVOTAS NAKATANGGAP NG CASH AID
NASA 200 Navoteños na kuwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamagitan ng pondo ng Gender and Development (GAD). Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay parte din ng serye ng pandemic recovery programs ng […]