Kalagayan ng mga Pinoy sa Myanmar, tututukan ng DOLE
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino sa Myanmar na mag-ingat dahil sa idineklarang State of Emergency matapos ang nangyaring kudeta.
Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Myanmar ngunit may mga Filipino Community doon at sila ang tumitingin sa kalagayan ng mga Pilipino.
Sila rin ang naging daan para makontak nila ang mga Pilipino sa naturang bansa kaya pinayuhan sila na mag-ingat at huwag lumabas sa kanilang tirahan habang inoobserbahan ang mga pangyayari.
Delikado aniya ang nangyayari ngayon sa Myanmar dahil mismong militar ang nagsagawa ng kudeta at walang nakakaalam kung ano ang mga susunod nilang gawin.
Sinabi ng kalihim na tututukan nila ang kalagayan ng mahigit 2,000 na Pinoy sa Myanmar na karamihan ay mga guro.
-
Mga Navoteñong nasunugan, nakatanggap ng tulong na tig-P10K mula kay Sen. Go at NHA
NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal na tig-P10,000 mula sa National Housing Authority (NHA) at kay Senador Bong Go ang nasa 1,328 pamilyang Navoteñong nasunugan sa isinagawang aktibidad sa Navotas Sports Complex, kamakailan. Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang pamamahagi ng tulong pinansiyal […]
-
LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año
MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants. Tinukoy nito ang nasa […]
-
GARY, first time voter pa lang sa May 2022 national election dahil dating American citizen
FIRST time voter si Mr. Pure Energy Gary Valenciano this coming May 9 elections. May mga nabasa kaming comment asking kung bakit ngayon lang boboto si Gary. So we asked his wife Angeli P. Valenciano why is he voting only now? Ito ang sagot niya, “It was because he […]