• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara may P4.7-B sobrang pondo kahit lumaki ang gastos

UMABOT sa P4.7 bilyon ang budget surplus ng Kamara noong 2022 kahit pa lumaki ang gastos nito ng P934.41 milyon.

 

 

Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 bilyon noong 2021 ay tumaas ng 78 porsyento ang budget surplus ng Kamara.

 

 

Ayon sa 2022 Financial Statements ng House of Representatives ang gastos nito sa Personnel Services (PS), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), Financial Expenses, at Non-Cash Expenses ay nasa P17.18 bilyon mas mataas sa P16.25 bilyon noong 2021.

 

 

Mula sa P4.8 bilyon ang gastos sa Personnel Services ay naging P4.86 bilyon.

 

 

Ito’y bunsod ng pagtaas ng sahod kaugnay ng ipinatupad na Salary Standardization Law.

 

 

Tumaas naman ang Maintenance and Other Operating Expenses mula P11.265 bilyon noong 2021 ay naging P12.13 bilyon noong nakaraang taon. (Ara Romero)

Other News
  • Marathon trivia

    Lihis po muna ako sa running tips na ilang araw ko tinalakay.   Ilang trivia sa marathon sa ating bansa noong dekada 80 ang gusto kong i-share sa inyo dear readers.   Alam po ba ninyo ng mga panahong iyon ay wala pang curfew o cutoff time sa mga full-marathon o 42.195-kilometer race?   Hindi […]

  • Ads December 6, 2023

  • Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers

    Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers.   Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan.   Pero ngayong bisperas ng […]