Kapalaran ni Obiena sa SEA Games di pa tiyak – POC
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
Hinihintay pa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ng World Athletics para mapayagang makasali si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Dagdag pa nito na wala sanang pagdaranan na mahabang proseso si Obiena sa pagsali sa nasabing biennial event kung pinayagan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ang pagsali nito sa nasabing torneo.
Hanggang sa huling minuto aniya ng deadline ng pagsusumite ng pangalan ay umaasa na tutugon ang organizers ng torneo sa kanilang hiling.
Magugunitang tinanggal ng PATAFA si Obiena sa opisyal na listahan ng mga manlalaro na sasabak sa SEA Games.
Nets coach Steve Nash umaasa pa ring makasama nila si Simmons bago magtapos ang regular season
Umaasa si Brooklyn Nets coach Steve Nash na makakasama na makakapaglaro na si Ben Simmons bago matapos ang regular season.
Mula kasi noong Hunyo 20 ay hindi na naglaro pa si Simmons sa Philadelphia 76ers ng talunin sila ng Atlanta Hawks sa Eastern Conference semifinals.
Sa kasalukuyan kasi ay patuloy ang pagpapagaling ni Simmons sa kaniyang back injury.
Dagdag pa ni Nash na patuloy ang ginagawang rehab at pagpapalakas ni Simmons.
Magugunitang nakuha ng Nets si Simmons bago ang trade deadline noong Pebrero 10.
-
Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker
NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong […]
-
Steph Curry at Warriors tinambakan ang Nuggets
Pinayagan na rin ang mga fans na makapanood sa unang pagkakataon sa NBA game sa San Francisco, kasabay din upang saksihan nila kung paano tinambakan ng kanilang team na Golden State Warriors ang bumibisitang Denver Nuggets. Bago nagsimula ang game, nagbigay ng welcome address si Stephen Curry at hindi naman siya binigo upang […]
-
Ads July 31, 2021