• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020!

Winner ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment website na LionhearTV.net na ginanap nitong Sabado ng gabi.

 

Kinilala bilang ‘Actor of the Year’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at si Maine Mendoza naman para sa ‘Actress of the Year.’

 

Dahil sa epektibong pagganap ng ‘Prima Donnas’ star na si Aiko Melendez bilang si Kendra sa top-rating GMA Afternoon Prime show, tinanghal siyang ‘Favorite Kontrabida.’

 

Samantala, kabilang din sa mga tumanggap ng ‘Most Admired Celebrities’ award ang ‘Descendants of the Sun’ PH star at Big Boss na si Dingdong Dantes.

 

Pagdating naman sa News, nanalong Female News Personality of the Year ang GMA News Pillar na si Jessica Soho habang Male News Personality of the Year naman si Atom Araullo.

 

Nagmula ang mga boto sa boses ng daan-daang libong fans at viewers. Congratulations, mga Kapuso!

Other News
  • PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa

    NADAGDAGAN pa ang bilang ng bakunahan kontra COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).       Sa datos ng kagawaran, mula noong buwan ng Marso ay tumaas pa hanggang 200,000 ang bilang ng mga indibidwal na nababakunahan sa bansa mula noong buwan ng Marso.       Sinabi ni Health Undersecretary Maria […]

  • PBBM, tinitingnan ang magiging pakinabang ng ekonomiya sa pamamagitan ng MTFF

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa tamang daan ang Pilipinas tungo sa pagbawi at pagbangon ng ekonomiya.     Iyon ay dahil sa tulong  mula sa  Medium-Term Fiscal Framework (MTFF)  para sa bansa na makamit ang “economic transformation.”     Sa kanyang budget message sa isinumiteng 2024 National Exependiture program, sinabi ni Pangulong […]

  • Robredo, ‘No regrets’ sa kabila ng OVP challenges sa ilalim ng administrasyong Duterte

    “NO REGRETS”  si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.     Sa  last episode ng kanyang  lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng suporta  mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan ang dahilan para itulak ng kanyang tanggapan na […]