• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karate champ Orbon guest ng TOPS

MAINIT na diskusyon ang bubungad sa buwan ng Nobyembre sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagbisita ng karate, horseracing at wheelchair basketball sa 19th “Usapang Sports on Air” via Zoom bukas (Thurday).

 

Mangunguna sa mga panauhin ng TOPS sina Fil-Am karate champion Joane Orbon at Karate Pilipinas and Association for the Advancement of Karatedo (AAK) president Richard Lim sa public service program na sisipa sa ganap na ika-10 ng umaga.

 

Tatalakayin ni Orbon ang kanyang plano at preparasyon sa Tokyo Olympics qualifying events, Southeast Asian Games sa Vietnam at iba pang international competitions sa susunod na taon.

 

Makakasama rin sa balitaktakan sina Philippine Racing Club, inc. (PRCI) racing manager Antonio B. Alcasid Jr. at Philippine Wheelchair basketball head coach Vernon Perea.

 

Inaanyayahan ni TOPS Prexy Ed Andaya ang lahat ng opisyal, miyembro at kaibigan sa sports community na dumalo sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

 

Binubuo ang TOPS ng sports editors, reporters at photographers ng pangunahing national tabloids at blogger-friends.

Other News
  • Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

    Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.     Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o […]

  • Gobyerno, “on the right track” para magbigay ng affordable rice-NEDA

    “ON the right track” ang admkinistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng affordable o abot-kayang halaga ng bigas sa merkado.     Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa press briefing sa Malakanyang na magpapalabas ang administrasyong Marcos ng “economies of scale” na sa kalaunan ay magiging […]

  • Brad Pitt Receives A $20 Million Paycheck For ‘Bullet Train’

    BRAD Pitt earned $20 million for his role in the upcoming action thriller, Bullet Train.      Directed by David Leitch and starring Pitt, Bullet Train tells the story of five assassins who find themselves on the same bullet train in Japan and come to realize that all of their individual missions are actually connected.     Set […]