• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama pa sina Janice, Mon at Chanda sa ‘Espantaho’: JUDY ANN at LORNA, tiyak na mapapasabak sa matinding aktingan

PANGALAWANG beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa isang pelikula, at ito ay sa kasalukuyang sinu-shoot ngayon na horror film, ang ‘Espantaho’.

 

“First namin was Mano Po 2,” kuwento ni Judy Ann, “pero hindi ganun karami yung scenes namin together at tsaka hindi kami yung mag-ina doon.
“Ngayon pa lang talaga yung almost every scene magkasama kami.

 

“Nakikilala ko siya ng husto… Mano Po pa lang naman may mga moments naman na magkakasama yung malaking cast.

 

“Kasi ang dami namin sa Mano Po mahigit, parang mahigit beinte kami doon e,” ang natatawang pagbabalik-tanaw pa ni Judy Ann.

 

Ang ‘Mano Po 2: My Home’ ay pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival noong 2003 kung saan tampok sina Judy Ann, Lorna, at sina Susan Roces, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino, Angel Locsin, Carmina Villarroel, Alessandra de Rossi, Richard Gutierrez, Jay Manalo, Karylle at marami pang iba.

 

Pagpapatuloy pa ni Judy Ann sa muli nilang pagsasama sa pelikula ni Lorna…

 

“And I really appreciate working with veterans kasi talagang makikita mo kung gaano sila ka-professional, ready silang dumarating sa set, walang kaarte-arte.

 

“Lumaki ako sa ganun, lumaki ako sa ganung environment.

 

“So ito yung environment ko,” pagtukoy ni Judy Ann sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Lorna.

 

“Nandito ako ngayon sa isang lugar na kinalakihan ko, ‘Eto yun, o… ah okay!’

 

“Wala kaming masyadong issues… actually wala, walang issues na kung anupaman… dayalog, blocking, wala!

 

“Kumbaga kampante ang lahat dahil we trust each other.”

 

At dahil pareho sila ni Lorna na mga mahuhusay na aktres, tiyak na to the highest level ang aktingan na mapapanood kina Juday at LT kapag ipinalabas na ang pelikulang ito ng direktor na si Chito Roño.

 

“Sa pangkalahatan,” sinabi pa ni Juday, “kasi may Janice de Belen ka, may Mon Confiado ka, may Chanda Romero ka.”

 

Kaya siguradong todohan na aktingan ang mamamalas sa ‘Espantaho.’

 

“In fairness sa script ni Chris Martinez, binigyan niya ng moment bawat artista sa pelikulang ‘to.

 

“Iyon yung talagang nakakagulat na parang he was able to make it a point na bawat artista, may moment,” sinabi pa ni Judy Ann.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Public viewing kay ex-Pres. Aquino isinagawa sa Ateneo

    Isinagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa kahapon, Biyernes Hunyo 25.     Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa […]

  • IVANA, nanawagan sa mga lalaki na gusto siyang ligawan at pakasalan; namimigay ng pera kapag nalalasing

    IBANG klase pa lang malasing ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi.     Ang latest vlog nito ay nakipag-inuman sa kapatid na si Hash habang sinasagot ang “Never Have I Ever.”     Marami itong rebelasyon at aliw kami na mukhang planong i-deny na gumamit din siya ng dating app, pero ibinuko ng kapatid […]

  • Fajardo lalaro pa rin para sa ‘Pinas

    PATUNGO na sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school na Fairleight Dickinson University Knights si Ella Patrice Fajardo, pero tiniyak nahindi niya tatalikdan ang paglalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas sa hinaharap.   “Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that […]