• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sa mga nangunguna sa fan votes: MICHELLE, dapat suportahan para manatili sa Top 10 ng ‘Miss Universe’

ANG pambato natin na si Michelle Dee ay isa na sa mga frontrunners sa nalalapit na 72nd Miss Universe pageant

 

 

Dahil pasok ang 28-year-old Kapuso actress sa Top 10 leading candidates na mula partial fan votes, base ito sa inilabas ng Miss Universe Organization sa kanilang facebook account last Oct. 13.

 

 

“It’s neck and neck.

 

 

“These are the delegates leading the Fan Vote as of Thursday, October 12th (in no particular order). Don’t see your favorite delegate? Download the MISS UNIVERSE app and cast your vote now!,” nakalagay sa caption kasama ng larawan ng mga candidate.

 

Kasama nga ni Michelle sa top 10 list ang mga kandidata mula sa France – Diana Leyre, Nicaragua – Sheynnis Palacios, Albania – Endi Demneri, Mexico – Melissa Flores, Myanmar – Amara Bo, Puerto Rico – Karla Acevedo, Chile – Celeste Viel, Thailand’s Anntonia Porsild, and Lebanon – Maya Abou Hosn.

 

 

Kapansin-pansin ang pagpasok ng apat na Latina, na matinding kalaban sa Miss Universe, idagdag pa ang kapwa-Asian beauties ni Michelle, na nagpapasalamat sa lahat ng bumoto sa kanya, at patuloy pa ring iboto para hindi siya malaglag sa semi finals.

 

 

Ang contestant na highest number of fan votes ay makasisiguro ng kanyang spot sa semifinals ng beauty pageant.

 

 

Hinahangad nga ni Michelle ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas, at sundan ang pagkapanalo nina Pia Wurtzbach noong 2015 at Catriona Gray noong 2018. Kaya malaking pressure ito sa kanya, sa totoo lang.

 

 

Gaganapin ang 72nd Miss Universe sa November 18 sa El Salvador kung saan magtatagisan ang 87 delegates mula sa iba’t ibang bansa.

 

 

Eere naman ito sa Kapamilya channel.

 

 

***

 

EXCITING ang announcement today ng final four para makumpleto ang eight entries ng MMFF 2023.

 

 

Isa sa malakas ang laban at siguradong magpapasaya sa manonood this Christmas season ang comedy film na ‘Becky & Badette’ nina Eugene Domingo at Pokwang, sa direksyon at panulat ni Jun Robles Lana.

 

 

Type din naming makapasok ang drama adventure na ‘Firefly’ ni Zig Dulay na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Kapuso child actor Euween Mikael na kung saan may special participation si Dingdong Dantes.

 

 

Makalusot naman kaya sa panlasa ng committee ang action suspense drama na ‘Pieta’ nina Alfred Vargas at Nora Aunor, at isa pang dramatic film na ‘In His Mother’s Eyes’ nina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate?

 

 

Tatlo naman ang pagpipilian na horror at thriller ang tema, ang ‘Nokturno’ ni Nadine Lustre mula sa Viva Films, ‘Shake, Rattle & Roll EXTREME ng Regal Films at ‘Mallari’ ni Piolo Pascual, sa direksyon ni Derick Cabrido na hatid naman ng Mentorque Productions.

 

 

At baka nga may iba pang makalusot, kaya good luck and congrats sa mga mapipili.

 

 

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon

    Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero.     Ayon kay Col. […]

  • Pinakahihintay na wedding day ni KRIS, magaganap na ngayong Sabado at wala nang urungan

    SA Sabado, September 25 na ang pinakahihintay na araw ni Kris Bernal, ang kanyang wedding day.     So this time, mukhang wala nang urungan at wala na rin pagka-delay.     Laman ng Instagram ni Kris ang mga ginagawang preparation for her wedding at very obvious ang excitement niya.  Ni-reveal na rin niya ang designer […]

  • Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas

    BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.   Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North […]