• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASAPI NG INC, HINAMON NA MANINDIGAN SA KATOTOHANAN

HINAMON ng isang Obispo ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo na manindigan sa katotohanan para sa ikabubuti ng bayan.

 

 

Ito ay kasunod ng pag-endorso ng pamunuan ng INC sa kandidatura nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo.

 

 

Ayon Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na  bagamat kilala sa bloc voting ang grupo, mahalagang sundin ng mga kasapi ang konsiyensya at ihalal ang mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang mabuting lider.

 

 

“Yan naman talaga ang gawa ng INC mag-endorse; para sa akin power bloc under the clothe of religion sila so magpakatotoo sana ang INC this time yan ang challenge ko sa kanila, sundin ang konsensya,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

 

 

Apela ni Bishop Tobias sa mamamayan lalo na sa 67-milyong botante  na pagnilayang mabuti ang pagpili ng mga lingkod bayan para sa kapakinabangan ng bawat isa lalo na ang susunod na henerasyon.

 

 

Bagama’t batid ng obispo ang bloc voting ng INC naniniwala pa rin ito sa mga Pilipinong pipili ng lider na may kakayahang mamuno at may malinis na track record sa pamamahala sa bayan.

 

 

Sa datos humigit kumulang sa tatlong milyon ang mga kasapi ng INC sa buong mundo kung saan naniniwala si Bishop Tobias na hindi ito lahat rehistrado upang makalahok sa halalan o tinatayang dalawa hanggang tatlong porsyento lamang ito sa 67-milyon rehistradong botante.

 

 

Patuloy ang panawagan ng simbahang katolika na ipanalangin ang nalalapit na 2022 national and local elections upang maisagawa ito ng matapat, maayos, malinis, makatotohanan, makatarungan at pumapanig sa bayan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Trapik sa Kalakhang Maynila, pinuna ni PDU30

    PINUNA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kakulangan sa hakbang at iba’t ibang solusyon na ipinatupad ng mga otoridad para mabawasan ang bigat ng trapik sa Metro Manila.     Sinabi ng Chief Executive na sa Las Pinas, kulang pa rin ang mga nagawa ng hakbang sa kabila ng iba’t ibang paraan ng ginawa para […]

  • Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec

    Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.     Alas-8:00 […]

  • 5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez

    INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto.   Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr.   Ani Galvez, inaasahan niyang […]