Kaso ng COVID-19 sa bansa, 49 na
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN pa ng 16 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan 49 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) as of March11.
Sa ngayon, agad na ikinakasa ng otoridad ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng mga kumpirmadong kaso ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa press briefing.
Ayon kay Vergeire, stable na ang 8 sa 49 na kaso, na kinabibilangan ng 2 repatriates mula sa Diamond Princess cruise ship na tinamaan ng COVID-19.
Inanunsyo niya rin na pinauwi na ang 442 sa 445 na repatirates mula sa Diamond Princess cruise ship matapos ang 14-day quarantine.
Ayon kay Vergeire kasalukuyang ‘intubated’ si patient 29 dahil sa umanoy cardiovascular at endocrine problems nito.
Napag-alaman na na-expose umano siya sa Patient 9, isang 86-anyos na lalaking Amerikano na nakatira sa Marikina City.
Sa ngayon ay mayroon pang posibleng 31 COVID-19 cases na pending pa ang kumpirmasyon, at umakyat rin sa 68 katao ang persons under investigation na naka-confine sa iba’t ibang hospital sa bansa. (Daris Jose)
-
MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS
NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]
-
CIVIL REGISTRY NG MANILA LGU, WALANG IPINAPATUPAD NA “CUT OFF SYSTEM” AT “QUOTA SYSTEM”
WALANG ipinapatupad na “cut off” o “quota system” ang tanggapan ng Local Civil Registry ng pamahalaang Lungsod ng Maynila. Ito’y makaraang makatanggap umano ng reklamo ang tanggapan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) hinggil sa pagpapatupad nila ng “cut-off time” sa pagtanggap at pagproseso ng mga dokumento kaya nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Director […]
-
PRIDE FESTIVAL 2023, IDARAOS SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE
INAASAHANG aabot sa 50,000 ang makikilahok sa isasagawang Pride Festival ngayong taon na isasagawa sa Quezon Memorial Circle ayon sa Pride Ph, ang organizer ng naturang festival. Magsisimula ang festival alas dyes ng umaga at magkakaroon ng PRIDE EXPO, PRIDE MARCH AT PRIDE NIGHT. Sabi naman ni Rod Singh, ang syang […]