Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, bumaba ng 43%
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga health worker at frontliner ng lalawigan sa kanilang walang kapagurang paglilingkod sa mga Bulakenyo kasabay ng lalo pang pagbaba ng kaso ng 43% mula Mobility Week 19 hanggang 20 mula Mayo 8 hanggang 22, hanggang Mobility Week 21 hanggang 22 mula Mayo 23 hanggang Hunyo 5.
“Napanatili po natin ang pagbaba ng bilang ng mga kaso. I would like to congratulate and thanked our doctors and nurses, our medical frontliners and mga cluster head ng PTF at ang ating kapulisan. Lahat kayo ay nagsumikap dito. Kitang kita naman natin sa ating mga datos,” anang gobernador sa ginanap na Provincial Task Force Meeting noong Huwebes sa pamamagitan ng Zoom application.
Ayon sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, PTF Response Cluster Head, apat na porsiyento lamang o 1,510 ng 37,997 kabuuang kumpirmadong kaso ang aktibo, habang 94% o 35,666 ang gumaling at dalawang porsiyento o 821 ang namatay mula sa sakit.
Ipinarating din niya ang kanyang kasiyahan sa pagsasailalim sa Bulacan, kasama ang Metro Manila, sa General Community Quarantine (GCQ) “with some restriction”, na may bahagyang maluwag na protocol kumpara sa GCQ “with heightened restrictions”.
“Pababa ang kaso at napakaganda ng ating nagiging laban kung babatayan ang datos sa ibang lalawigan sa paligid ng NCR. Nananatiling pinakamababa ang ating active cases mula simula until today. Nawa ay magpatuloy ang datos na ito dahil hindi na natin kakayanin na bumalik pa sa mas mahigpit na quarantine status,” dagdag pa niya.
Umapela din ang gobernador sa mga lokal na pamahalaan na mag-ukol ng mas maraming vaccination sites, ipatupad ang sistematikong master listing, at maglaan ng mas marami pang tagapagbakuna upang lalong mapabilis ang vaccination rollout sa lalawigan upang makamit ang herd immunity bago ang Pasko.
Noong Hunyo 16, 2021, nakapagturok na ang lalawigan ng kabuuang 208,195 doses ng bakuna laban sa Coronavirus, 161,607 para sa unang dose at 46,588 para sa ikalawang dose. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads February 20, 2024
-
Pagpapalabas ng P25.16-B para sa 8.4M indigents’ health insurance, aprubado ng DBM
MAKATATANGGAP ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng P25.16 billion para sa one-year health insurance premiums ng mahigit sa 8 milyong Filipino indigents. Ito’y matapos na magbigay ng “go signal” si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na ipalabas ang P25,157,547,000 para sa insurance premiums ng 8,385,849 kuwalipikadong indigents […]
-
General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan
Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA. “Affected motorists should take a turn at […]