• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA

MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

 

Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo  na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

 

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit  at district health offices nito.

 

Sa naturang bilang ay nasa  2,763 na lamang  ang masasabing nasa aktibong kaso ng pandemiya.

 

10,392 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 449 ang nasawi.

 

Batay pa sa datos, nasa 14,347 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing. Patuloy parin na nag papaalala ang QC government na palaging sumunod sa mga health protocols tulad ng pag susuot ng face mask at face shield at mag gamit ng alcohol at apg huhugas ng kamay ng sabon at tubig. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Jobless Pinoy sumipa sa 2.11 milyon

    SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo. Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS). Sinabi ni PSA chief  Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril. Nagtala rin ang PSA ng 95.9 […]

  • Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon

    Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol […]

  • SENIOR CITIZENS SA NAVOTAS MAKAKATANGGAP NG P1K BIRTHDAY GIFT

    SIMULA ngayong taon, makakatanggap na ng P1,000 birthday gift ang mga rehistradong senior citizen sa Navotas City.     Ito’y matapos i-ananunsyo ni Mayor John Rey Tiangco ang pagtaas ng NavoRegalo sa aktibidad ng Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola, na bahagi ng 118th Navotas Day celebration.     “We acknowledge the […]