• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagya uling tumataas

Nagpaalala muli ang OCTA Research Group sa mamamayan ng Metro Manila nang ibayong pag-iingat makaraang ma-monitor ang unti-unting pagtaas muli ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

 

 

Sa datos mula sa grupo sakop ang petsang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, tumaas man sa .68 mula sa .57 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region. Ang reproduction rate ay ang dami ng tao na maaaring mahawa ng isang pasyente na may COVID-19.

 

 

Tumaas ng 8% ang ‘se­ven-day growth rate’ sa ­Metro Manila na naitala sa 1,135 average kada araw.

 

 

Sinabi ng OCTA na maliit na pagbabago lamang ito ngunit ipinaalala nila na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon muli ng pagtaas mula nang marating ang peak ng COVID-19 surge noong Abril.

 

 

Nasa moderate risk pa rin ang klasipikasyon ng Metro Manila dahil sa 8.22 average daily attack rate (ADAR). (Gene Adsuara

Other News
  • OVP, tutulong sa DepEd sa paghahanda para sa pasukan

    NAKIPAGTULUNGAN ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education para sa isang linggong nationwide school maintenance program para paghandaan ang opisyal na pagsisimula ng klase sa August 29 ng kasalukuyang taon.     Ang mga naturang ahensya na parehong pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ay nagtulungan para sa Brigada Eskwela 2023, […]

  • Ika-400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, ipinagdiwang

    BILANG pagpupugay sa kasaysayan at pag-unlad, ginunita ng Lungsod ng Valenzuela ang ika-400th Founding Anniversary nito sa ilang mga programa at pagdiriwang para sa Pamilyang Valenzuelanos na ginanap sa makasaysayang San Diego de Alcala Church at Casa de Polo, nitong Nobyembre 12, 2023     Ito ang pinakaaabangang araw para sa Lungsod ng Valenzuela, na nag-ugat […]

  • Ads September 2, 2021