KATHRYN, umaming madaling uminit ang ulo at clingy girlfriend kay DANIEL
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
NAG–RECONNECT si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.
Nadagdagan na raw kasi ng marami pang fans si Kathryn na gusto siyang makilala at sinagot pa niya ang ilang personal na tanong.
Isa sa sinagot ni Kathryn ay kung may nakaaway na ba siyang ibang artista kahit na noong child actress pa lang siya?
“May nakaaway ba? Sa pagkakaalam ko, wala. Tingin ko, wala. Wala akong nakaaway na celebrity. Siguro hindi ko lang masasabi na super friendly ako na sobrang dami kong friends especially sa showbiz ,pero wala akong nakaaway pa.
“Kapag may nakaaway ka, makakatrabaho at makakatrabaho mo ‘yun. It’s going to be hard for you. Magiging awkward lang. So might as well huwag ka na lang mang-away ng ibang tao, kung wala namang ginawa sa’yo.
“Pero kung may ginawa sa’yo at kaaway-away, go awayin mo. Pero kung wala naman, it’s better to work peacefully na wala kang natatapakang ibang tao. As far as I know, wala akong nakaaway.”
Inamin ng aktres na madaling uminit ang ulo niya at isa ito sa ayaw niya sa kanyang sarili.
“Mainitin ang ulo ko. Actually, I don’t like that about me. Very impatient ako. Especially kapag it’s time of the month for us girls, extra mainitin yung ulo ko. Yung pasensya ko, liliit pa iyan.
“Alam ko hindi siya maganda. May mga days na mabait naman ako. Pero kapag lang talaga yung time of the month na yun, huwag mo talaga ako pikunin kasi magiging dragon talaga ako,” tawa pa niya.
Clingy girlfriend daw siya sa boyfriend na si Daniel Padilla.
“I think I am very clingy. Pero malaking difference yung clingy sa needy. I think I am not needy. I am just clingy. When I say clingy, malambing. I want not naman parati na nagkikita kami ni DJ.
“Pero we make sure na meron kaming own time alone. Pero I want din na may time kami sa isa’t isa. I like being hugged. I think I am very touchy and clingy. It makes me feel good. Ang sarap kaya kapag hina-hug ka, holding hands. If you notice, ganun kami ni DJ, kasi pareho kami na ganun yung love language namin.”
***
IKINATUWA ng Army fan sa buong mundo ang pagkakaroong kanya-kanyang Instagram account ang members ng Koren pop sensation na BTS.
In-announce ito ng kanilang management team na habang naka-holiday break sa pag-perform ang BTS, pinayagan silang magbukas ng sarili nilang IG accounts.
This is the first time na magkaroon ng public profile on social media sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook. All accounts have been verified by Instagram.
Dahil sa pagkakaroon nila ng IG accounts, may mga na-break ng records on IG sina Jimin na nakakuha ng most number of hashtags, at si V na fastest to reach 6 million likes.
Heto ang bilang na ng followers nila sa IG: RM (Kim Namjoon) 12.6 million, Jin (Kim Seokjin) 12.9 million, Suga (Min Yoongi) 12.7 million, J-Hope (Jung Hosoek) 12.6 million, Jimin (Park Jimin) 13.1 million, V (Kim Taehyung) 14 million, and Jungkook (Jeon Jungkook) 13.4 million.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Kampeonato sa 10-ball championship, nasungit ni Orcollo
TULOY ang mainit na ratsada ni 2011 World 8-Ball champion Dennis Orcollo matapos angkinin ang ikalimang korona sa 2020 season. Naging matibay na sandalan ng 2019 Southeast Asian Games men’s pool singles gold medallist ang karanasan nito para ilampaso si Aloysius Yapp ng Singapore sa finals ng 2020 Scotty Townsend Memorial 10-Ball Championships na […]
-
KC, puring-puri ng netizens sa ginawang pagsorpresa kay SHARON; lumipad mula Palawan papuntang Amanpulo
IKINATUWA ng netizens ang IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan ang sarap nang pagkakayakap niya sa anak na si KC Concepcion na sinorpresa ang kanyang kaarawan. Post ni Mega, “KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where […]
-
TORCH RELAY POSIBLENG IKANSELA VS COVID-19 OUTBREAK
PAG-IISIPAN umano ni Organizing committee Director General Toshiro Muto ang pansamantalang pagkansela sa 2020 Tokyo Olympics torch relay na nakatakdang gawin sa Marso. Nagbunsod ang desisyon na ito matapos manawagan ng Japanese government na kung maaari lamang ay kanselahain ang malalaking gatherings, tulad ng sporting at cultural events o ‘di kaya naman ay ilipat […]