• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kauna-unahang gamot laban sa COVID-19, inaprubahan na sa China

Inanunsyo ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makatutulong daw sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.

 

Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing daw na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa merkado.

 

Ang naturang gamot ay na-develop ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug na puwede nang ibenta ng National Medical Products Administration mula nang magkaroon ng outbreak noong buwan ng Disyembre.

 

Ang Zhejiang province ay merong kaso ng mga pasyente na umaabot na sa 1,167.

 

Iniulat naman ng Ministry of Science and Technology ang Favilavir ay isa sa tatlong gamot na nagpapakita ng pagiging epektibo sa paggamot sa novel coronavirus matapos ang isinagawang mga clinical trials.

 

Samantala, umakyat na ang bilang sa mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease 1,770 habang mahigit naman sa 71,000 ang nagkasakit mga iba’t ibang panig ng mundo. (Daris Jose)

Other News
  • 1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen

    IPINAUBAYA  na  ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang  pagpapasya o discretion  kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen.   Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay.   […]

  • Mga golfer marami ng torneo sa 2021

    SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board  (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021.   Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other […]

  • Meet ’The Bad Guys’ in the New Heist Caper Comedy from DreamWorks Animation

    ARE you excited to see this animated comedy flick?     Meet The Bad Guys in the new heist caper comedy from DreamWorks Animation and Universal Pictures International that will open in Philippine cinemas this April 27.     Packed with high-octane energy and sharp cultural references, the film represents a bold, stylish, new artistic direction for […]